PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sachzna Laparan admits past relationship with McCoy de Leon

Sachzna is unsure if romance with McCoy overlapped with Elisse Joson.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Just now
Sachzna Laparan admits past relationship with McCoy de Leon
Sachzna Laparan on past relationship with McCoy de Leon: "After ng PBB niya, nanligaw pa ulit siya sa akin. Hindi naman nanligaw; nagkaroon kami ng parang connection ulit. Pero hindi talaga nag-work out na. Wala na talaga."
PHOTO/S: @sachzna/@mccoydeleon on Instagram

Inamin ng actress-vlogger na si Sachzna Laparan na nagkaroon sila noon ng relasyon ng Kapamilya actor na si McCoy de Leon.

Sa panayam kay Sachzna ni DJ JhaiHo sa Banana Krew nitong Huwebes, October 22, 2026, ibinahagi ng dalaga ang nakaraan nila ng aktor.

Nangyari ito nang mabanggit ni Sachzna ang mga co-star niya sa upcoming horror film na VHS, kung saan kasama si McCoy, na aniya'y dati niyang naging boyfriend.

"Naging ex ko. Ex ko siya," pag-amin ni Sachzna.

Sachzna Laparan claims trusted aide stole P2M from her
Photo/s: @sachzna Laparan
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento pa ng aktres, nagsimula ang pagiging malapit nila ni McCoy noong nag-aaral pa lang sila ng kolehiyo dahil magkalapit lamang ang mga unibersidad na kanilang pinapasukan.

"Mapúa [University] siya, tapos ako Lyceum [of the Philippines].

"Saglit lang kami. On and off kami.

"Actually, siya lang yung ex na binalikan ko talaga."

Read: Sachzna Laparan reveals she repeatedly bailed out ex over debts

Ayon kay Sachzna, bagamat nagkahiwalay sila ni McCoy, muli silang nagkaroon ng komunikasyon matapos lumabas ang aktor sa Pinoy Big Brother house noong 2017.

Matatandaang naging celebrity housemate si McCoy sa Pinoy Big Brother: Lucky 7, kung saan naging ka-two-in-one housemate niya si Nikko Natividad.

Mccoy De Leon at Kutis Reveal media launch
McCoy de Leon
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabalik-tanaw ni Sachzna: "After ng PBB niya, nanligaw pa ulit siya sa akin.

"Hindi naman nanligaw, [kumbaga] nagkaroon kami ng parang connection ulit.

"Pero hindi talaga nag-work out na. Wala na talaga."

Nakahiwalay at hindi man sila muling pinagbigyan ng tadhana, malaki raw ang pasasalamat ni Sachzna sa pagmamahal na ibinigay at ipinaramdam sa kanya noon ni McCoy.

Sabi niya, "Kudos naman kay McCoy kasi taga-Cavite pa ako before, so talagang hatid-sundo niya pa ako dati.

"Alam niyo, ngayon ko lang nakuwento to. Kasi hindi nila alam na mag-ex kami.

"Talagang tinago ko ito para protektahan ang iyong career," hirit niya sa dating nobyo.

Read: Sachzna Laparan reveals indecent luxury car offer

Sachzna unsure if romance with McCoy overlapped with Elisse Joson

Dahil sa rebelasyon ni Sachzna, hindi naiwasang usisahin ni DJ JhaiHo kung naabutan niya ang noo'y ka-loveteam at ex-girlfriend din ni McCoy na si Elisse Joson.

Saad ni DJ JhaiHo, "Hoy, nakakaloka yung revelation ha na after PBB, so ang eksena, sabay kayo ni Elisse?"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Elisse Joson, McCoy de Leon go on separate ways
Elisse Joson and McCoy de Leon .
Photo/s: Courtesy: Nice Print Photography

Mabilis at gulat na sagot ni Sachzna: "Ha? Hindi ko alam.

"Baka hindi naman. Baka naghiwalay naman sila or what.

"Hindi ko talaga alam. Oh my God...Pero kami, after ng PBB niya, nag-usap talaga kami.

"Hindi naman naging kami. Nagkausap lang kami and after noon hindi talaga nag-work out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero bago pumasok si McCoy sa PBB, medyo nag-uusap-usap pa kami nun, e.

"Tapos ayun na, iniwan na niya ako sa ere."

Hirit pa ni Sachzna, "Di ba, McCoy? Alam mo yan.

"Na-hurt ako nun, sobra. Nag-post pa ako nun.

"Nakaaway ko pa yung mommy niya... Pero bata pa ako noon."

MCCOY, ELISSE LOVE STORY

Nagsimula ang espesyal na relasyon nina McCoy at Elisse nang maging housemates sila sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016, kung saan din nagsimula ang kanilang tambalan na nakilala bilang McLisse.

McCoy de Leon and Elisse Joson
McCoy de Leon and Elisse Joson on PBB.

Dahil sa nakakakilig nilang chemistry, naging magka-loveteam ang dalawa na kalaunan ay nauwi sa isang real-life relationship.

Read: McLisse: The Love Story of Elisse Joson and McCoy de Leon

Ngunit gaya ng ibang magkarelasyon, dumaan din sa mga pagsubok ang kanilang relasyon.

Noong 2018, napabalitang naghiwalay ang dalawa matapos i-unfollow ni McCoy si Elisse sa Instagram.

Pagsapit ng August 30, 2020, ikinagulat na lamang ng kanilang mga tagasuporta ang pagbabalikan umano ng dalawa nang mag-post si McCoy ng larawan nila ni Elisse.

Read: Are Elisse Joson and McCoy de Leon back in each other’s arms again?

June 2021, kinumpirma na mismo nina McCoy at Elisse na sila nga ay nagkabalikan matapos panandaliang magkahiwalay.

October 31, 2021, nag-guest ang dalawa sa PBB: Kumunity Season 10, para ianunsiyong si Elisse ay nanganak na sa anak nila ni McCoy na si Feliz, 5.

Read: Elisse Joson, McCoy de Leon are now parents to baby girl

Noong January 2023, muling pumutok ang isyung nagkahiwalay muli sina McCoy at Elisse.

Pero nagkabalikan muli ang dalawa makalipas ang ilang linggo.

Read: McCoy de Leon confirms reconciliation with Elisse Joson

Hanggang noong July 25, 2025, tuluyan nang kinumpirma ng dalawa ang kanilang paghihiwalay sa pamamagitan ng isang joint statement sa Instagram.

Read: Elisse Joson reflects on failed relationship with McCoy de Leon

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang pahayag o reaksiyon si McCoy sa naging rebelasyon ni Sachzna tungkol sa kanilang nakaraan.

Read: McCoy de Leon working hard to provide for daughter Felize

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sachzna Laparan on past relationship with McCoy de Leon: "After ng PBB niya, nanligaw pa ulit siya sa akin. Hindi naman nanligaw; nagkaroon kami ng parang connection ulit. Pero hindi talaga nag-work out na. Wala na talaga."
PHOTO/S: @sachzna/@mccoydeleon on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results