Binigyang parangal ng Laguna Excellence Award ang mga artistang sina Sheryl Cruz, Richard Quan, Patricia Javier, Rez Cortez, at iba pa sa 7th edition nito last Saturday, November 14, 2026.
Ang Laguna Excellence Awards ay ang taunang award-giving body na nagbibigay ng parangal sa mga grupo, indibidwal, kompanya, produkto, public servants, negosyante, at iba pang achievers na nakapagbigay ng impact sa probinsiya ng Laguna at sa buong bansa.

Read: TV5 announces its 2027 lineup of shows at thanksgiving party
SHERYL CRUZ: "Napakalaking karangalan..."
Ginawaran si Sheryl Cruz ng Outstanding Actress and Entertainment Icon Award sa gabing iyon.
Itinuturing daw niya itong malaking karangalan dahil hindi lang siya ginawaran bilang aktres kundi bilang icon.
Aniya: "Award bilang isang outstanding actress at hindi lang outstanding actress kundi entertainment icon.
"Napakalaking karangalan, at ito ay binabahagi ko hindi lamang sa aking pamilya, mga kaibigan, kundi mga colleagues ko sa industriya.
"At hindi lang yun, sa aking mga followers noon at ngayon dahil para sa akin ang panalong ito ay panalo nila."

Kasama ring ginawaran ng parangal sina Richard Quan bilang Excellence in Film and Television Acting Award, Patricia Javier as Excellence in Entertainment and Beauty Pageant Award, at Rez Cortez bilang Pillar of Philippine Cinema Award.

Pinarangalan naman ang mga kasamahan sa panulat na sina Rodel Fernando, Mildred Bacud, at Rommel Placente para sa kanilang show na Marisol Academy bilang Outstanding Entertainment Online Show award.

Malaki naman ang pasasalamat ni Mr. Roldan Aris, ang Founder ng Laguna Excellence Awards sa lahat ng mga indibidwal at grupo na patuloy na sumusuporta sa kanilang layunin.

Aniya, "Congratulations and continue to inspire other people. Yung ibang mga awardees po kasi from rural villages. Sobrang nakaka-inspire yung story nila.
"Sana po mas pag-isipan po natin na mas tulungan po natin yung mga gustong mag-negosyo, yung mga nandito sa simula pa lang and magtulungan po talaga at mag-rise."
Read: Vandolph Quizon's daughter Quira, 18, shares battle with cancer
