Isa sa labis na natuwa sa engagement nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose ay si Ai-Ai delas Alas.
Matagal nagkasama sina Ai-Ai, Rayver, at Julie Anne sa Kapuso singing competition na The Clash.

Na-engage sina Rayver at Julie Anne nitong nakaraang November 23, 2026 matapos ang limang taong pagiging magkasintahan.

Read: Julie Anne San Jose and Rayver Cruz are now engaged
AI-AI DELAS ALAS' HEARTWARMING POST ABOUT JULIVER
Ilang oras matapos kumalat ang engagement video ng magkareslasyong tinagurian ding JuliVer, naghayag ng kanyang damdamin si Ai-Ai.
Taong 2019 pa lamang daw, sa Season 2 ng talent search ng GMA na The Clash, ay sinasabihan na sila ni Ai-Ai at kapwa judge ng show na si Lani Misalucha na bagay na bagay sila.
"Excited na future ninang" daw kasi sila sa magsing-irog.
Saad ni Ai-Ai: "Magkaibigan pa lang sila noon, kinikilig na kami sa kanilang dalawa.. niloloko namin sila ni mareng @lanimisalucha sa Season 2 palang ng The Clash.
"From friends to something more, who would have thought? Lagi naming sinasabi ni Lani na bagay na bagay sila, kaya sana sila na talaga ang magkatuluyan.
"At siyempre, kami na ni Mareng Lani ang mga excited na future ninang! HAHAHA!"
Mensahe pa niya sa dalawa: "Manifesting more love, happiness, and forever for Julie Anne and Rayver!
"CONGRATULATIONS AND GOD BLESS YOU BOTH @myjaps @rayvercruz #JulieVer #JulieAnneAndRayver #FutureNinangs
"Ps ... congrats din shoolie napakaganda na ng arms mo may cut wohooo @myjaps"

Read: Abby Choi's ex-husband reveals alleged affair after their divorce
AI-AI RESPONDS TO BASHER
Isa namang komento ang sinagot ni Ai-Ai.
Tinawag kasi nitong "red flag" si Rayver, at baka raw matulad ang sitwasyon nina Julie Anne at Rayver kina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Komento ng basher, "Maraming red flag pa naman si @rayvercruz BAKA MAGING TOM & CARLA 2"
Sinabihan ni Ai-Ai ang basher na huwag maging negative.
Maging masaya na lamang daw ito sa naging maligayang kuwento ng pag-ibig ng iba.
At kung meron man daw itong karelasyon, sana asikasuhin na lamang nito para hindi makapagkomento ng pangit sa ibang tao.
Buong komento ni Ai-Ai, "Nega agad inggit yern? Maging masaya nalang tayo sa mga nag iibigan na tao .. te mag jowa ka nalang para happy ka.. kung may jowa ka naman asikasuhin mo jowa mo para busy ka and d ka maka comment ng nega.."

Read: Robbie Jaworski and Magui Ford unfollow each other on Instagram
