Inamin ng Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose na dumaan din siya sa isang yugto ng buhay kung saan labis siyang naapektuhan ng kanyang unang pag-ibig.
Sa panayam ni Julie Anne sa online show na TRGGRD! noong July 24, 2026, ibinahagi niya ang ilan sa mga hindi malilimutang karanasan sa buhay, kabilang ang first love niya na nag-iwan sa kanya ng maraming aral.
Read: Julie Anne San Jose: from Maria Clara to calendar girl
Lumalabas na hindi naging maganda ang naging takbo ng kanilang relasyon.
"There was someone na talagang parang hindi ko ma-explain, e, naaning talaga ako," pagbabalik-tanaw ng singer-actress.
Hirit pa niya, "Pangalanan na lang nating..."
Hindi na narinig sa interview video ang sumunod niyang sinabi dahil na-bleep ito.

Depensa naman niya, maaaring bata pa sila noon at kapwa abala sa kani-kanilang pumapaimbulog na career kaya't naudlot ang noo'y kanilang magkakamabutihan.
"Maybe kasi, mga bata pa kami nun, and then we both had the peak of our careers siguro," sabi ni Julie Anne.
Read: EXPLAINER: What is Pax Silica; why does it matter to Filipinos?
Ayon pa kay Julie Anne, posibleng nakaapekto rin sa kanilang relasyon ang matinding atensiyon at reaksiyon ng ilan sa kanilang fans.
Aniya, "So parang, inaway-away kasi siya [ng fans] ata.
"Siguro naging factor din yon [na inisip niya na], 'Career muna ako, ganyan.'"
Sa kabila nito, naniniwala si Julie Anne na naging masaya naman sila sa maikling panahong kanilang pinagsamahan.
NETIZENS SPECULATE ON JULIE ANNE'S FIRST LOVE
Bagamat hindi pinangalanan ni Julie Anne ang kanyang tinutukoy na first love, marami sa netizens ang nagkanya-kanyang hula kung sino ang kanyang tinutukoy.
Isa sa mga pangalang lumutang ay ang kapwa Kapuso star niyang si Alden Richards.

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na minsan nang naugnay sina Julie Anne at Alden dahil naging malapit sila sa isa't isa noong nagkatrabaho sila sa Party Pilipinas.
Sa ulat ng PEP.ph noong January 2013, nakasaad na tila nagsimulang tuksuhin sina Alden at Julie Anne nang magpalitan sila ng Christmas gifts noon.
Binigyan daw ni Alden ng neck pillow si Julie Anne, at chocolates naman ang regalo ng dalaga kay Alden.
Read: Alden Richards denies courting Julie Anne San Jose: "Wala pa po… hindi pa po ako nanliligaw."
Dagdag pa ritong, nagkakatambal sila noon sa production numbers ng Party Pilipinas.
Sinabi rin noon ni Alden na hanga siya sa pagiging "mabait, genuine, at walang arte" ni Julie Anne, pero nilinaw ng aktor na hindi niya nililigawan ang dalaga.
Hanggang sa bigla na lang nagkatampuhan ang dalawa.
Hindi malinaw ang dahilan, pero napabalita noong humantong sa puntong hindi na nag-uusap ang dalawa at nag-unfollow-an pa sa Twitter.
Nagkaayos na lang sina Alden at Julie Anne nang magkatrabaho muli sila sa Sunday PinaSaya noong 2015.
Read: Julie Anne San Jose nilinaw na walang tensiyon sa pagitan nila ni Alden Richards
Alden reveals he almost dated Julie Anne
Hanggang noong January 25, 2023, sa isang episode ng Fast Talk with Boy Abunda, nagsalita sa unang pagkakataon si Alden tungkol sa mga babaeng naiuugnay sa kanya, kabilang si Julie Anne.
Pag-amin ng Kapuso actor, siya ang may kasalanan kaya hindi natuloy ang pagkakamabutihan nila noon ni Julie Anne.
Saad niya: "I decided to mag-focus na lang po talaga sa work. Yun po yung inihingi ko ng sorry sa kanya.
"It’s a long time… a long time of… parang naiwan ko po siya, and I’m sure, if she’s watching right now…"
"Sasabihin ko na po… I never told anyone this.
"Yung part po kasi kay Julie Anne, yun po yung parang mabigat.
"When we were doing Sunday Pinasaya, the time that we separated, ang tagal po naming hindi nag-usap. Seven years, almost, ganoon po katagal."
Read: Alden Richards on Julie Anne San Jose Incident
Nang magkaroon daw ng pagkakataon, kinausap ni Alden si Julie Anne sa isang kuwarto upang humingi ng kapatawaran.
Lahad ni Alden, “So Sunday Pinasaya, rehearsal, may green room po tayo sa Studio 7.
"Nung kami pong dalawa na lang sa green room, ni-lock ko po yung pinto.
"And then I talked to her na, ‘I’m really sorry for all what happened. Iniwan kita and there’s no one to blame but me. I was...'
"May term po akong ginamit… 'And I am very sorry. Sana mapatawad mo na ako.'
“Okay po siyang kausap, and then, pagkatapos ng usapan, parang may relief po sa kalooban. Na parang for the longest time, iniiwasan ko rin po siya.
"Pero noong nangyari yung moment na yun, may dala pala rin ako.
“Now, we’re very much good friends.”
Sa kasalukuyan, masaya na si Julie Anne sa piling ng boyfriend niyang si Rayver Cruz, habang si Alden naman ay nananatiling single.
Read: Rayver Cruz on marrying Julie Anne San Jose: “Doon papunta.”
