Lawyer of respondents in Dacera case seeks recall of bounty; Senator Manny Pacquiao refuses, Congressman Eric Yap says it’s “now off the table”

by Jet Hitosis
Jan 8, 2021
Manny Pacquiao, Eric Yap
Senator Manny Pacquiao (left) on January 5 offers a P500,000-bounty for those who will give information that will lead to the arrest of the respondents in the Christine Dacera case, while ACT-CIS Party-list Representative Eric Yap (right) announced a "P100k kada ulo" reward on January 4.
PHOTO/S: @mannypacquiao, @congericgoyap on Instagram

Umaapela ang abogado ng ilan sa mga iniuugnay sa pagkamatay ni Christine Angelica Dacera na bawiin ang reward money na iniaalok sa mga makatutulong sa pagdakip sa mga respondents sa kaso.

Direktang nanawagan si Atty. Mike Santiago kina Senator Manny Pacquiao (PDP-Laban) at ACT-CIS Party-list Representative Eric Yap.

January 5 nang nag-alok si Senator Pacquiao ng PHP500,000 bounty para sa “sinumang makakapagturo sa suspek at makakapagbigay linaw sa kasong ito.”

Nauna rito, inanunsiyo noong January 4 ni Congressman Yap na magbibigay siya ng PHP100,000 “kada ulo ng 9 na suspect na ito para sa makakapagbigay ng information kung nasaan sila.”

Continue reading below ↓

THE CONTROVERSIAL DACERA CASE

Si Atty. Santiago ang legal counsel nina Rommel Galido, Clark Rapinan, Valentine Rosales, at John Pascual Dela Serna III.

Ang apat ay kabilang sa 11 sinampahan ng provisional charge na rape with homicide kaugnay ng pagkamatay ni Christine.

Si Christine ang 23-year-old flight attendant na natagpuang walang buhay sa bathtub ng isang hotel sa Makati City noong January 1.

Hindi na humihinga si Christine nang madiskubre sa bathtub pagkatapos ng magdamagang New Year’s Eve party sa hotel kasama sina Galido, Rapinan, Rosales, Dela Serna, at iba pang respondents.

Sinampahan ng reklamo ang 11 matapos sabihin ng Makati City Police na may natukoy silang mga indikasyon ng panggagahasa at pagpatay umano sa flight attendant.

Sa kainitan ng maigting na panawagan ng publiko na papanagutin ang mga pinaniniwalaang humalay at pumatay kay Christine, naglaan ng reward money sina Congressman Yap at Senator Pacquiao.

CHRISTINE DIED OF NATURAL CAUSE

Pero nang sumunod na mga araw, isa-isang lumantad ang ilan sa mga respondents sa kaso para itanggi ang paratang sa kanila.

Continue reading below ↓

Kasunod nito, kumalat sa social media ang kopya ng medico-legal report sa awtopsiya ng pulisya kay Christine.

Sa report, walang indikasyon na hinalay ang flight attendant.

Nakasaad din sa dokumento na namatay si Christine dahil sa ruptured aortic aneurysm, o pagputok ng pangunahing ugat sa katawan.

Ang medico-legal report na iyon ang pinagbatayan ng Makati Prosecutor’s Office upang humingi ng karagdagang ebidensiya at magtakda ng preliminary investigation laban sa 11 respondents.

Hindi raw kasi sapat ang ebidensiyang inihain ng Makati City Police para patunayang ginahasa at pinatay nga si Christine.

RESPONDENTS UNDER “SURVEILLANCE”?

Nitong Huwebes ng gabi, humarap sa media sina Galido, Rapinan, Rosales, at Dela Serna.

Nanindigan ang apat na walang humalay at pumatay kay Christine.

Nagpahayag din sila ng kahandaang makipagtulungan sa imbestigasyon upang lumabas ang katotohanan sa pagkamatay ng kanilang kaibigan.

Pero habang nakikipagtulungan sa imbestigasyon sina Galido, Rapinan, Rosales, at Dela Serna, iginiit ng abogado nilang si Atty. Santiago ang kaligtasan ng apat.

Continue reading below ↓

May mga “sumusunod” at “nagsu-surveillance” na raw kasi sa mga ito, ayon kay Atty. Santiago.

“We’re appealing to Congressman Yap and also to Senator Pacquiao to recall the bounty being offered,” sinabi ni Atty. Santiago nang makapanayam sa news program ng ANC na Headstart ngayong Biyernes ng umaga, January 8.

Na-interview rin ng host na si Karen Davila sina Galido, Rapinan, Rosales, at Dela Serna.

ANC's Headstart anchor Karen Davila interviews Atty. Mike Santiago

Continue reading below ↓

“Because this affects the security and the safety of this gentlemen, considering nga na mayroong mga sumusunod sa kanila.

“Mayroong mga nagsu-surveillance o nagbi-video sa labas ng bahay nila,” ani Atty. Santiago.

RAPINAN: “SOBRANG HIRAP PO, SOBRANG… NAKAKATAKOT”

Sa parehong interview, emosyunal na pinatotohanan ni Rapinan ang sinabi ni Atty. Santiago.

Aniya, naranasan mismo ito ng kanyang pamilya nitong Huwebes.

Kuwento ni Rapinan: “Kahapon, umalis kami ng bahay, mayroong sumunod sa amin.

“May nagbi-video ng kotse, ng sinakyan naming kotse…sumusunod.

“'Tapos yung mother ko alalang-alala.

“Sobrang hirap po, sobrang…nakakatakot.

“Also, sobrang hirap na makita yung parents mo na nahihirapan,” naiiyak na sabi ni Rapinan.

LAWYER: “NO NEED NA FOR THE BOUNTY”

Dahil mayroon nang nakasampang reklamo sa Makati Prosecutor’s Office at handa namang makipagtulungan sa imbestigasyon sina Galido, Rapinan, Rosales, at Dela Serna, sinabi ni Atty. Santiago na hindi na kailangan pang mag-alok ng reward money laban sa mga respondents.

Continue reading below ↓

Giit ni Atty. Santiago: “There’s no need na for the bounty because there’s already a complaint with the Prosecutor’s Office of Makati.

“Willing naman yung mga kliyente namin harapin at sagutin po yung mga reklamo na ito,” dagdag ng abogado.

PACQUIAO: “MANANATILI ANG AKING ITINAKDANG PABUYA”

Gayunman, walang balak si Senator Pacquiao na bawiin ang iniaalok niyang pabuya.

Sa press statement ng 42-year-old lawmaker-athlete ngayong Biyernes, ipinaliwanag niyang layunin ng bounty na ang lahat ng nakasama ni Christine sa New Year’s Eve party “would come forward and shed light about this incident.”

Sabi ni Senator Pacquiao: “Mananatili ang aking itinakdang pabuya na nagkakahalaga ng P500,000 upang matunton ang iba pang mga sangkot sa kasong ito.”

Sakali naman daw na nagsipaglantad na ang lahat ng iniuugnay sa kaso, sinabi ng senador na ang nabanggit na halaga ay ibibigay sa pamilya Dacera bilang tulong pinansiyal.

Hinikayat din ni Senator Pacquiao ang iba pang respondents na tulad nina Galido, Rapinan, Rosales, Dela Serna, at Gregorio de Guzman na “be brave enough to share your truth.”

Continue reading below ↓

Mensahe ng senador sa iba pang respondents: “Wala pong dahilan upang kayo ay matakot kung kakampi ninyo ang katotohanan.”

Nangako naman si Senator Pacquiao na handa siyang tumulong upang tiyakin ang seguridad ng mga kliyente ni Atty. Santiago.

YAP: “BOUNTY NOW CONSIDERED MOOT…OFF THE TABLE”

Samantala, sinabi ni Congressman Yap ngayong Biyernes na hindi na kailangan pang bawiin ang alok niyang reward money.

Batay sa latest developments ng kaso, sinabi ng kongresista na maituturing nang walang bisa ang kanyang bounty offer.

“We supposed that there is no need to recall per se the bounty placed on the persons of interest in the death of Christine Angela Dacera,” sinabi ni Congressman Yap sa isang official statement.

“In principle, the bounty is now considered moot and now off the table as they have already voluntarily presented themselves and now cooperating in the investigation,” dagdag pa nig kongresista.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Manny Pacquiao (left) on January 5 offers a P500,000-bounty for those who will give information that will lead to the arrest of the respondents in the Christine Dacera case, while ACT-CIS Party-list Representative Eric Yap (right) announced a "P100k kada ulo" reward on January 4.
PHOTO/S: @mannypacquiao, @congericgoyap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results