“Medico-legal report” of Christine Dacera makes netizens question PNP probe

Makati Police denied releasing “medico-legal report for public consumption.”
by Jet Hitosis
Jan 6, 2021
Netizens question the Philippine National Police's (PNP) investigation on the death of flight attendant Christine Dacera after a copy of what seems to be a medico-legal report, indicating the cause of death as a “ruptured aortic aneurysm," circulated on social media on Tuesday, January 5.
PHOTO/S: pnp.gov.ph, Twitter

Nabaling sa Philippine National Police (PNP) ang galit ng netizens, na unang kumondena sa 11 lalaking iniuugnay ng pulisya sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ito ay matapos kumalat sa social media nitong Martes ng hapon, January 5, ang kopya ng “medico-legal report” mula sa Crime Laboratory Office ng Southern Police District (SPD).

Nasa dokumentong iyon ang mga detalye ng umano’y awtopsiya sa bangkay ni Dacera, 23, na natagpuang walang buhay sa bathtub ng isang hotel sa Makati nitong January 1, 2021 ng tanghali.

Ang medico-legal report ay mayroong “Certified True Copy” stamp at pirmado ni Police Major Michael Nick W. Sarmiento, Medico-Legal Officer.

Noted naman ito ng officer-in-charge ng SPD Crime Laboratory Office na si Police Lieutenant Colonel Jayson C. Ermina.

Nakasaad sa report na January 2 natanggap ng SPD Crime Laboratory Office ang “previously embalmed” na bangkay ni Dacera.

January 3 naman nakumpleto ang pagsusuri ni Sarmiento sa labi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOT “FOR PUBLIC CONSUMPTION”

Bagamat malinaw na nakasulat sa ibabang bahagi ng two-page report na confidential ang dokumento, paulit-ulit iyong ni-repost ng Twitter users nitong Martes.

Nakasaad sa dokumento na “consistent with RUPTURED AORTIC ANEURYSM” ang dahilan ng pagkamatay ni Dacera.

Ibig sabihin, napunit ang aorta—o ang pinakamalaking blood vessel sa katawan na tumatagos sa puso—ng flight attendant.

Walang linaw kung sino ang kumuha ng litrato ng nabanggit na report.

Hindi rin matukoy kung sino ang nag-post niyon sa social media.

Nang hingan ng pahayag ng media nitong Martes ng gabi, nilinaw ni Makati City Police Chief Colonel Harold Depositar na walang anumang medico-legal report na isinasapubliko ang pulisya.

“We have not issued any medico-legal report for public consumption,” iniulat ng Philippine Daily Inquirer na sinabi ni Depositar sa isang text message.

Nangangahulugan itong hindi kinumpirma ni Depositar ang validity ng medico-legal report na kumalat sa social media.

MAKATI CITY POLICE INSISTS ON FOUL PLAY

Pero dahil sa report na iyon, kinukuwestiyon ngayon ng netizens ang imbestigasyong isinasagawa ng pulisya sa insidente.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Anila, natural cause daw pala ang ikinasawi ni Dacera.

Hindi raw ito tugma sa pahayag ni Depositar na may natukoy itong foul play sa pagkamatay ng dalaga.

Nitong Lunes, January 4, sinabi ni Depositar na iniimbestigahan nila ang posibilidad na ginahasa at pinatay si Dacera.

Sa report ng Philippine Daily Inquirer sa araw ring iyon, quoted si Depositar sa pagsasabing si Christine “had lacerations and sperm in her genitalia.”

Dagdag pa ni Depositar, mayroon din umanong mga contusions, pasa, at galos sa mga braso at binti ang flight attendant.

Bagamat nakasaad sa kumalat na medico-legal report na totoong nakitaan ng mga pasa at galos ang katawan ni Dacera, walang nabanggit doon kung may semilya sa ari ng dalaga.

11 PEOPLE “PROVISIONALLY CHARGED”

Giit naman ni Depositar, bagamat sa initial autopsy ay natukoy na aneurysm ang ikinamatay ni Dacera, naroon pa rin daw ang posibilidad na may nag-trigger para mangyari iyon sa dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa parehong interview, kinumpirma ni Depositar na “provisionally charged” na ng Makati City Police ng “rape with homicide” ang 11 lalaking kasama ni Dacera na nag-party sa hotel nitong December 31.

Tatlo sa 11 lalaking iniuugnay ng pulisya sa pagkamatay ni Christine ay nasa kustodiya na rin ng Makati City Police, sinabi noon ni Depositar.

Ang tatlo ay sina John Pascual Dela Serna III, Rommel Galido, at John Paul Halili.

THREE PEOPLE IN POLICE CUSTODY FREED

Gayunman, pinalaya na ang tatlo ngayong Miyerkules, January 6, sa utos ng Makati City Prosecutor's Office.

Ayon kay Prosecutor General Benedicto Malcontento, “insufficient” ang mga ebidensiyang inihain ng pulisya laban sa mga ito.

Kailangan daw ng “further investigation” para masabing may kaugnayan nga ang 11 sa pagkamatay ni Dacera.

Inatasan din ni Malcontento ang pulisya na magsumite ng “additional evidence, such as the DNA analysis report, toxicology/chemical analysis, and the histopath examination report.”

Una nang inihayag ng Makati City Police nitong Martes na isusumite pa lang nito ang final autopsy report sa Makati Prosecutors Office.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaugnay nito, kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ngayong Miyerkules na tutulong ang forensic team ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkumpleto sa final autopsy report ng pulisya.

Itinakda ni Malcontento sa January 13 ang preliminary investigation sa 11 lalaki.

NO RAPE?

Kung nitong January 3 ay galit na kinokondena ng netizens ang 11 iniuugnay sa pagpanaw ni Dacera, todo-depensa na sila para sa mga ito sa ngayon.

Bago pa kasi kumalat sa social media ang umano’y medico-legal report, lumantad din nitong Martes si Gregorio de Guzman, ang isa sa 11 kasama ni Dacera sa party.

Mariing itinanggi ni De Guzman, anak ng singer na si Claire dela Fuente, na may gumahasa at pumatay kay Dacera.

Imposible raw iyon, aniya, dahil halos lahat daw ng nakasama ni Dacera sa party ay gay.

Sa kabila nito, naninindigan si PNP Chief General Debold Sinas na may foul play sa pagkamatay ni Dacera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbabala pa si Sinas nitong Martes na maglulunsad ng manhunt, at gagamit ng "force" kung kinakailangan, kung hindi susuko ang iba pang personalidad na subject ng imbestigasyon sa kaso.

Gaya ng pulisya, naniniwala rin ang pamilya ni Dacera na may nangyaring krimen sa likod ng pagkamatay niya.

Ayon sa kampo ni Dacera, isasailalim nila sa panibagong awtopsiya ang bangkay ng dalaga upang kontrahin ang nakasaad sa kumalat na medico-legal report na natural cause ang ikinasawi ng flight attendant.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens question the Philippine National Police's (PNP) investigation on the death of flight attendant Christine Dacera after a copy of what seems to be a medico-legal report, indicating the cause of death as a “ruptured aortic aneurysm," circulated on social media on Tuesday, January 5.
PHOTO/S: pnp.gov.ph, Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results