Ano nga ba ang estado ng relasyon ng Kapamilya stars na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada?
Ito ngayon ang tanong ng maraming netizens makaraang kumalat ang litrato umano ng dalawa na magkasama.
Bagamat hindi malinaw ang kuhang picture, nakatitiyak ang netizen na sina Daniel at Kaila ito dahil sa kanilang mga hulma.

Ini-upload ang litratong ito noong September 14, 2025, sa Reddit at TikTok.
Read: Is Kathryn Bernardo moving to this luxe abode in Makati City?
NETIZENS' REACTION
Kung marami ang napapatanong sa ugnayan nina Daniel at Kaila, may ilang netizens naman ang ikinatutuwa ang pagsasama ng dalawa, lalo na't parehas naman daw silang walang karelasyon ngayon.
Tila kilala na rin naman daw ng dalawa ang isa't isa makaraan nilang magkatrabaho sa defunct action-drama series na Incognito.
Read: Maris Racal says Incognito "saved" her
Komento ng isang netizen sa Reddit (published as is), "Well they are both single and at the right age na din so why not."
Saad ng isa (published as is), "I'm happy for DJ and Kai. As long as maayos ang pakikitungo ni dj sa kanya, who are we to judge Kaila sa choices nya?"
Sabi pa ng isa (published as is), "They look like just casually hanging-out. But if ever they'll date talaga, go for it, matatanda na at mga single naman sila."
Hindi ito ang unang beses na maispatang magkasama sina Daniel at Kaila.
Noong July 2025, inusisa ng netizens ang tunay na namamagitan sa dalawa matapos nilang mapabalitang magkasama sa isa umanong movie at karaoke date kasama ang aktor na si Igi Boy Flores.


Maliban pa rito ang pagpa-follow sa isa't isa sa Instagram nina Daniel at Kaila.
Napansin din ng netizen ang pag-follow kay Kaila sa Instagram ng ina ni Daniel na si Karla Estrada, ama na si Rommel Padilla, at kapatid na si Magui Ford.



DANIEL'S PAST RELATIONSHIP
Ang aktres na si Kathryn Bernardo ang huling nakarelasyon ni Daniel.
Tumagal ng labing-isang taon ang kanilang relasyon hanggang noong November 30, 2023, sa pamamagitan ng magkahiwalay na statement, kinumpirma nina Kathryn at Daniel na hiwalay na sila.
Read: Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla
Nabaling kay Daniel ang sisi sa nangyaring hiwalayan.
Diumano, nagkaroon si Daniel ng lihim na ugnayan sa aktres na si Andrea Brillantes, na naging mitsa sa hiwalayan ng couple.
Si Lucena City Mayor Mark Alcala ang naiuugnay ngayon kay Kathryn makaraan nilang ilang beses na maispatan sa iba't ibang lugar at event.
Read: Kathryn Bernardo, Mark Alcala spotted sa NAIA papuntang Australia
Samantala, pagdating kay Kaila ay wala pa siyang naisasapublikong karelasyon.
