May halong lungkot ang Instagram post ni Dennis Padilla ngayong Lunes, June 19, 2023.
Tila may pahiwatig siya tungkol sa hindi perpektong pamilya.
Mensahe ni Dennis, “[hear emoji] No family is perfect. We argue, we fight, we even stop talking to each other at times but in the end, family is family.
“The love will always be there.”
View this post on Instagram
Nataon ang post ni Dennis isang araw makalipas ang Father’s Day, June 18.
Kahapon, nag-post siya ng larawan niya kasama ang mga anak na sina Julia Barretto at Claudia Barretto noong mga bata pa ang mga ito.
Sina Julia at Claudia ay anak ni Dennis sa dating karelasyon nitong si Marjorie Barretto.
Ang isa pa niyang anak kay Marjorie ay si Leon Barretto.
Caption lang ni Dennis dito ay heart emoji.
View this post on Instagram
Nitong Lunes ng umaga, nag-post si Dennis ng larawan niya kasama naman ang dalawa pa niyang anak na sina Dianne at Luis Padilla—mga anak niya sa dating partner na si Monina Gatus.
Nagpasalamat siya dahil binati siya ng mga ito sa Araw ng mga Ama.
Aniya sa caption, “Dearest Diane n Luis... Mahal ko kayo mga anak... Salamat sa Father's day greetings... God bless you more [praying hands, heart emojis]”
View this post on Instagram
Tila napunuan naman kahit papaano ang pangungulila ni Dennis sa tatlo niyang anak dahil noong Sabado, June 17, nagkita na muli si Dennis at ang nakababatang kapatid ni Marjorie na si Claudine Barretto, kasama ang anak ng aktres na si Sabina Santiago.
Mahigpit na nagyakap ang magtiyuhin pati na ang dating maghipag na sina Claudine at Dennis.
Read: Claudine Barretto hugs Dennis Padilla in tearful reunion: "I miss you Kuya"
Wala pa ring balita kung naghilom na ang mga tampo nina Julia, Claudia, at Leon kay Dennis.
Pero ang mga post ni Dennis sa Instagram ay tila pahiwatig na hindi siya binati ng mga ito noong Father’s Day.
Na labis na ikinalungkot ni Dennis dahil gayundin ang nangyari noong 2022.
Read: Dennis Padilla laments not getting Father’s Day greeting from children Julia, Claudia, Leon
