DJ Loonyo answers "gamitan, paasa" issue involving Ivana Alawi, LooVana fans

by Rachelle Siazon
Jan 4, 2021
DJ Loonyo (left) on Ivana Alawi and their fandom called LooVana: "Mabulaklak na salita, paasa, and all na binabato, Sige nga, Resibo after nung kumu live naming dalawa or statement ko sa kumu na siguro dun nalinaw naman na 'walang kame' at hanggang pagkakaibigan na lang... San ako nagpaasa?"
PHOTO/S: DJ Loonyo Facebook / Ivana Alawi Instagram

Trending sa Twitter ang pangalan ni DJ Loonyo dahil pinuputakti siya ng kung anu-anong batikos mula sa netizens.

Si DJ Loonyo ay isang dancer-choreographer na nakilala dahil sa kanyang dance challenges sa social media.

Naipalabas ang kuwento ng buhay niya sa Kapuso drama anthology na Magpakailanman, at nagkaroon din siya ng appearances sa noontime show na Eat Bulaga! noong 2020.

Linggo ng gabi, January 3, 2021, nag-trend ang hashtag na "#DJLoonyoattitudeproblem." Kinabukasan, January 4, 2021, nag-trend naman ang #BOYCOTTDJLOONYO."

Lumalabas na umaani ng batikos si DJ Loonyo kasabay ng pagkakaugnay niya sa isang sexy TikToker na sinasabing namataang kasama niya sa Boracay.

Bunsod nito, tila naungkat ang isyu tungkol sa pagkabuwag ng tambalan nila ni Ivana Alawi, o mas kilala bilang LooVana.

Base sa tweets, may netizens na nanggigil pa rin sa inis kay DJ Loonyo dahil sa umano'y panggagamit niya kay Ivana at sa LooVana fans.

BACK STORY ON DJ LOONYO AND IVANA ALAWI'S FALLING-OUT

Naging malapit sina DJ Loonyo at Ivana matapos nilang mag-collaborate sa YouTube vlog ni Ivana noong April 7, 2020.

Continue reading below ↓

Pumayag si DJ Loonyo na magpanggap na nobyo ni Ivana para i-prank ang ina ng dalaga.

Sa tunay na buhay, naging totohanan ang panliligaw ni DJ Loonyo kay Ivana.

Pero naudlot iyon matapos mabuking ni Ivana ang tungkol sa isang non-showbiz girl na naugnay kay DJ Loonyo.

May 27, 2020 nang idetalye ni DJ Loonyo ang tungkol sa panliligaw niya kay Ivana hanggang sa pagkasira ng kanilang pagiging magkaibigan.

Nasundan iyon ng paglantad ng non-showbiz girl na si Claire Gomez.

Ayon kay Claire, nag-reach out sa kanya si Ivana, at pareho raw silang nagulat nang malamang may mga bagay na itinago sa kanila si DJ Loonyo.

Nanindigan noon si DJ Loonyo na hindi siya nanligaw kay Claire.

Pero sa gitna ng pagiging malapit nila noon, aminado si DJ Loonyo na hindi niya ipinaalam kay Claire na nanliligaw siya kay Ivana.

Inamin din ni DJ Loonyo na hindi niya ipinaalam kay Ivana ang tungkol sa pagiging malapit niya kay Claire.

Continue reading below ↓

Sa huli, sinabi ni DJ Loonyo na in-unfollow siya ni Ivana sa Instagram at Twitter. Humingi rin ng dispensa si DJ Loonyo kina Ivana at Claire.

"GAMITAN, paasa" ISSUE

Nitong January 3, 2021, sunud-sunod ang paliwanag ni DJ Loonyo tungkol sa pambabatikos sa kanya sa social media dahil sa naungkat na isyu sangkot si Ivana at LooVana fans.

Sa pagkakaalam daw niya, ilang beses na siyang nagpaliwanag na hindi sila naging magkarelasyon ni Ivana at hanggang pagkakaibigan lang ang inabot ng ugnayan nila noon.

DJ loonyo facebook post

Continue reading below ↓

Hindi raw maintindihan ni DJ Loonyo kung bakit hanggang ngayon ay binabatikos pa rin siya sa kontrobersiyang kinasangkutan nila ni Ivana noon pang mid-2020.

Narito ang ilang tweets ni DJ Loonyo:

"Again, 3 times, tatlong beses ako nag-clear out and nagbigay ng statement. It's more than enough.

"God bless us all and all the best for 2021.

"Ang if gamitan issue? Never ko kayo ginamit, kayo po ang sumuporta at sinuklian ko ng talento at pagmamahal, pagkilala, niyakap kahit grabeng pambabasag ginagawa sa inyo.

"Pagmamahal na lang, walang bubong yun."

DJ loonyo tweets

Continue reading below ↓

Ayon pa kay DJ Loonyo, hindi niya pinaasa ang LooVana fans na may espesyal silang ugnayan ni Ivana.

Tweet ni DJ Loonyo:

"Mabulaklak na salita, paasa, and all na binabato, sige nga, resibo after nung kumu live naming dalawa or statement ko sa kumu na siguro dun nalinaw naman na 'walang kame' at hanggang pagkakaibigan na lang...

"San ako nagpaasa?"

Sa kabilang banda, naiintindihan daw ni DJ Loonyo kung may iba mang LooVana fans ang dismayado pa rin sa kanya.

Aniya, "Again naiintindihan ko mga nararamdaman niyo, sobra. Kaya positive vibes lang to na explanation."

DJ loonyo tweets

Continue reading below ↓

DJ LOONYO GRATEFUL TO LOOVANA FANS

Binigyang-linaw rin ni DJ Loonyo na hindi totoong sinabihan niya ang LooVana fans ng "WALA AKONG DAPAT IPAGPASALAMAT SAINYO."

Peke raw ang kumakalat na screenshot na iyon.

Paliwanag niya (published as is): "NEVER AT WALANG CHANCE NA LALABAS SA BIBIG, UTAK AT PUSO KO ANG MGA KATAGANG TO.

"BE CAREFUL. BASHERS ARE MANIPULATING OTHER PEOPLE TO HATE AND SPREAD FALSE ACCUSATIONS.

"THERE'S MORE INTO LIFE THAN THIS.

"CRUEL WORLD...

"LIGHT WILL PREVAIL."

Sa huli, inulit ni DJ Loonyo na nagpapasalamat siya sa LooVana fans.

Sana raw ay mas manaig ang good vibes at patuloy na pagkamit ng pangarap sa buhay ngayong bagong taon.

Iba pang tweets ni DJ Loonyo: "MARAMING SALAMAT LOOVANA.

"Uulitin ko, MAHAL KO KAYO AT NAIINTINDIHAN KO KAYO.

"Nawa'y magkaroon tayo ng katahimikan at ilaw."

DJ loonyo tweets

Continue reading below ↓

DJ LOONYO SPOTTED with a NON-SHOWBIZ GIRL

Tikom naman ang bibig ni DJ Loonyo tungkol sa bagong non-showbiz girl na inuugnay sa kanya.

May mga kumakalat kasing litrato si DJ Loonyo kasama ng isang di kilalang babae.

Kuha raw ang mga iyon sa Boracay kunsaan sinalubong umano ng rumored couple ang Bagong Taon.

Base sa mga litrato ay aktibo rin sa TikTok at YouTube ang non-showbiz girl na sinasabing girlfriend na ni DJ Loonyo.

Tila isa ito sa mitsa kung bakit pinuputakti ng hate messages si DJ Loonyo sa social media.

Hinihinalang may kaugnayan dito ang apela ni DJ Loonyo na bigyan siya ng "privacy."

Sabi sa isang tweet ni DJ Loonyo, "Sana mabigay niyo sakin yung privacy na hinihingi ko, siguro deserve ko naman yun."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DJ Loonyo (left) on Ivana Alawi and their fandom called LooVana: "Mabulaklak na salita, paasa, and all na binabato, Sige nga, Resibo after nung kumu live naming dalawa or statement ko sa kumu na siguro dun nalinaw naman na 'walang kame' at hanggang pagkakaibigan na lang... San ako nagpaasa?"
PHOTO/S: DJ Loonyo Facebook / Ivana Alawi Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results