Jeremy Jauncey and Pia Wurtzbach mark first anniversary

by Arniel C. Serato
Jan 2, 2021
Jeremy Jauncey Pia Wurtzback anniversary
Jeremy Jauncey on relationship with girlfriend Pia Wurtzbach: "There have been a load of personal & professional challenges for me, Pia, our businesses, our friends and our family but we got through them, wiser & stronger.”
PHOTO/S: Courtesy: @jeremyjauncey on Instagram

Isang taon na ang relasyon ng travel editor-entrepreneur na si Jeremy Jauncey, 34 at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, 30, noong Huwebes, December 31, 2020.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na kinumpirma ni Jeremy ang petsa kung kailan naging pormal ang relasyon nila ng ikatlong Miss Universe mula sa Pilipinas.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Jeremy ang larawan nila ni Pia may isang taon na ang nakaraan.

Ayon sa Beautiful Destinations founder, “December 31st is always a special day for me, not only is it the last day of the year- a chance to reflect and remember all the things that happened but it’s also our anniversary.

“This photo is from 12 months ago today, drinking from a coconut and talking about how much we wanted to achieve in the coming year.”

Nang dahil din daw sa COVID-19 pandemic, hindi raw halos natupad ang mga plano nila sa taong 2020.

Continue reading below ↓

Saad niya, “Since our very first date we’ve always talked about everything- getting lost in conversation, laughing & joking with each other and although most of the plans we made for 2020 didn’t happen, I can look back on the year happy & hopeful for what’s to come in 2021.

“There have been a load of personal & professional challenges for me, Pia, our businesses, our friends and our family but we got through them, wiser & stronger.”

Pagbati pa niya sa lahat ng sumusuporta sa kanila at sa kanyang negosyo: "To everyone that follows me or @beautifuldestinations, our amazing team of employees, our clients, our friends and everyone that has supported @piawurtzbach and I this year- a huge thank you.

“Have an amazing end to the year, 2021 will be better.”

“EXCITED FOR MORE ADVENTURES WITH YOU”

Nagkomento naman si Pia sa post ng kanyang nobyo.

Sabi niya, “Happy anniversary my love [heart emoji] hopeful for the year ahead and excited for more adventures with you. Happy new year!! [three hearts emojis]”

Continue reading below ↓

Sumagot naman si Jeremy ng love emojis sa komento ng girlfriend.

January 2020 unang napabalitang nagkakamabutihan sina Pia at Jeremy.

January 1 nang mag-post si Pia ng litrato ng kanyang “First breakfast of 2020” habang nasa pampang ng isang isla.

Seksing-sexy ang beauty queen sa suot niyang red two-piece swimsuit, bagamat hindi niya tinukoy sa caption kung nasaan siya.

Continue reading below ↓

Si Jeremy naman ay nag-post sa kanyang Instagram isang araw bago ang post ni Pia kung saan ipinakita niya ang drone shot ng paradise island na Bawah Reserve sa Indonesia.

Sa caption, sinabi ni Jeremy na ang isla “will be home for the next week.”

Pero ang mga litrato nina Pia at Jeremy sa kani-kanilang Instagram Stories ang nagbigay-daan sa hinala ng netizens.

Nagkataon kasing pareho ang background ng kani-kanilang selfies noong nakaraang January 2, 2020.

Kinumpirma ng dalawa na opisyal na nga ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng cover feature nila sa June 2020 edition ng luxury magazine na Tatler Philippines.

Sinabi ng Scotland-born na si Jeremy, na nang una silang magkita sa London ay nabighani siya kaagad sa Filipino-German beauty queen.

Sinang-ayunan naman ni Pia na mayroon talagang "immediate spark" sa pagitan nila.

Dagdag pa ng dating Miss Universe, "We couldn't stop talking.

"I found him to be such a warm person and I like that he was always smiling."

Continue reading below ↓

Ayon kay Jeremy, si Pia ang nag-set ng parameters sa kanilang relasyon.

Maluwag naman daw niya itong tinanggap.

Paliwanag ng Beautiful Destinations founder, "It was a chance to show that I was serious about her and that I want to be a gentleman about it, which was very important to me."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeremy Jauncey on relationship with girlfriend Pia Wurtzbach: "There have been a load of personal & professional challenges for me, Pia, our businesses, our friends and our family but we got through them, wiser & stronger.”
PHOTO/S: Courtesy: @jeremyjauncey on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results