Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Jeremy Jauncey's video hints at real score with Pia Wurtzbach

May 23, 2020
On May 22, 2020, clothing brand Ten Thousand uploaded an Instagram Story that accidentally gave its followers a glimpse of the photos where Jeremy Jauncey (left) and Pia Wurtzbach (right) are cozy with each other.
PHOTO/S: @jeremyjauncey / @piawurtzbach on Instagram

Simula pa lamang ng 2020 ay napabalita nang nagkakamabutihan si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at ang travel editor-entrepreneur na si Jeremy Jauncey.

Nitong Biyernes, May 22, aksidenteng nailantad ni Jeremy, 34, ang tunay na estado ng kanilang relasyon ni Pia, 30.

Ito ay sa pamamagitan ng Instagram Story na in-upload ng fitness clothing brand na Ten Thousand.

Ang video ay tila isang paid partnership sa pagitan ng Scotland-raised professional traveler na si Jeremy, ng Ten Thousand, at ng food supplement na Athletic Greens.

Sinimulan ni Jeremy ang video na nakatayo sa harap ng kanyang refrigerator na puno ng mga litrato.

"Okay, so days are looking good for today, which means I can smash it when I get into my session," sabi niya.

Pagkatapos ay ipinakita ni Jeremy ang food supplement na nakapatong sa kanyang kitchen countertop.

"But before I do, and the first thing I could take care of is my nutrition..." sambit niya.

Continue reading below ↓

Mabilis ang pagsasalita ni Jeremy, pati ang pag-record niya ng video.

Ngunit kung susuriin itong mabuti, makikita na ang mga nakadikit sa ref ni Jeremy ay iba't ibang couple photos.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

At ang couple ay siya at walang iba kundi ang Filipino-German beauty queen na si Pia.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

HOT STORIES

PIA WURTZBACH-JEREMY JAUNCEY RUMORED ROMANCE

Bagamat hindi pa rin nililinaw ng dating Miss Universe at ng Beautiful Destinations CEO ang estado ng kanilang relasyon, marami ang nakakapansin sa sweetness nila sa Instagram.

Noong January 1, 2020, pinaghinalaan ng Pianatics, tawag sa fans ni Pia, na magkasamang sinalubong ng dalawa ang Bagong Taon sa Indonesia.

Continue reading below ↓

Kapansin-pansin kasing pareho ang background ng Instagram Stories at posts nila noong December 31, January 1, at February 2020.

Patuloy rin ang exchange of likes and comments nila sa Instagram.

March 2020 nang inamin ni Pia sa Mega Magazine na mayroong nagpapatibok ng kanyang puso, subalit hindi niya ito pinangalanan.

Ang huling nakarelasyon ni Pia ay ang Filipino-Swiss racer na si Marlon Stockinger.

Tumagal ang relasyon nila ng tatlong taon bago kinumpirma ng beauty queen ang kanilang breakup noong December 2019.

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On May 22, 2020, clothing brand Ten Thousand uploaded an Instagram Story that accidentally gave its followers a glimpse of the photos where Jeremy Jauncey (left) and Pia Wurtzbach (right) are cozy with each other.
PHOTO/S: @jeremyjauncey / @piawurtzbach on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results