"Julia Barretto" spotted at Gerald Anderson’s resort in Zambales

by Arniel C. Serato
Feb 20, 2021
Is "Julia Barretto" the lady (in all-white outfit) in this now-viral photo, which was taken at Gerald Anderson's private resort in Zambales?
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Si Julia Barretto nga ba ang nakuhaan ng larawan na bumisita sa private resort ni Gerald Anderson sa Zambales?

Ito ang tanong ng mga netizens na nakakita sa larawang viral na ngayon sa social media.

Base sa larawang kumakalat, makikita ang dalawang babae na nakaupo sa pader ng Hayati Private Resort, na property ni Gerald sa Botolan, Zambales.

Isa sa mga babae, ayon sa mga netizens, ay si Julia.

Nag-effort din ang nag-post ng larawan na ikumpara ang facade ng resort ni Gerald sa lugar kung saan namataan diumano si "Julia."

Julia Barretto in Hayati Private Resort

Continue reading below ↓

JULIA barretto IN HAYATI LAST SEPTEMBER 2020

Noong September 2020, kumalat din sa social media ang larawan ni Julia, 23, na diumano ay kasama ni Gerald, 31, sa parehong private resort.

Isang pang post ng netizen ay video ng rumored couple na makikitang nakapuwesto ang lalaki at ang babae sa labas ng glass house kunsaan tanaw ang magandang view ng beach.

Mukhang nakaupo ang babae, at sa bandang kanan niya ay makikitang nakatayo naman ang lalaki.

Maya-maya pa ay makikita sa video na ang kumukuha nito ay ang long-time personal assistant ni Gerald na si Jalal Laidan.

Kapansin-pansing may nakalapat na salitang "anniversary" sa video, pero hindi malinaw kung kasama ito sa original video ni Jalal.

View this post on Instagram

A post shared by Roxy Coco (@roxycoco12)

Hanggang ngayon ay puro haka-haka pa lamang ang netizens tungkol sa totoong estado ng relasyon nina Julia at Gerald.

Nagsimulang ma-link ang dalawa taong 2019 nang nagkatrabaho sila sa pelikulang Between Maybes.

June 2019 naman nang napabalita ang breakup nina Julia at Joshua Garcia, na dati nitong ka-love team.

Continue reading below ↓

July 2019 nang nagpa-interview si Bea at sinabing hindi sila nag-break ni Gerald, pero, "He just started not talking to me."

August 2019 nang aminin ni Gerald na break na sila ni Bea.

Matapos noon ay madalas ang sightings kina Julia at Gerald.

Nitong nakaraang November 2020, mukhang magkasamang nag-hike sina Julia at Gerald sa Mt. Kulis sa Tanay, Rizal.

Julia Barretto, Gerald Anderson hiking in Mt. Kulis Tanay Rizal

Continue reading below ↓

December 31, 2020 naman, tila magkasama rin ang dalawa sa Baguio.

Julia Barretto, Gerald Anderson in Baguio

Right timing nga ba ang hinihintay ng dalawa dahil nitong February 2021 lamang ay may pahiwatig si Gerald sa kanyang Instagram ukol rito?

Samantala, inaabangan na rin ng karamihan kung kailan aamin si Bea sa totoong estado nila ng nauugnay sa kanyang si Dominic Roque.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is "Julia Barretto" the lady (in all-white outfit) in this now-viral photo, which was taken at Gerald Anderson's private resort in Zambales?
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results