PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katrina Halili: Focused on Love Life

Katrina: "Ako gusto ko kasi companion, yun talaga yung hinahanap ko."
by Arniel C. Serato
Published Jul 26, 2023
katrina halili at gma gala 2023
Actress Katrina Halili happy and contented with just having a boyfriend; says no to marriage and another baby: "Okay na ako, okay na po. Happy na ako. Love life na lang.”
PHOTO/S: Pau Guevarra / GMA Network

Wala na raw raw planong mag-asawa at magkaanak muli ang Kapuso actress na si Katrina Halili.

May eight-year-old daughter na si Katrina, si Katie Lawrence, na anak niya sa singer na si Kris Lawrence.

Bago pa man isilang ni Katrina ang anak ay hiwalay na sila, pero maayos ang kanilang co-parenting status.

Read: KATRINA HALILI PUTS NO PRESSURE ON KRIS LAWRENCE FOR CHILD SUPPORT

Sa Fast Talk With Boy Abunda kahapon, July 25, 2023, nanindigan si Katrina na kahit may boyfriend siya ngayon ay wala siyang balak mag-asawa o magkaanak pa.

Nakatuon daw ang kanyang oras ngayon sa pag-aalaga ng mga ibon at sa paggabay kay Katie.

Saad niya, “Wala, ayoko na. Puro birds ako ngayon, birds ang alaga ko.

“Ayoko nang magka-baby, hindi ko kaya, mahirap. Saludo na lang ako sa maraming baby."

Kuntento na raw ang Kapuso actress sa pagkakaroon ng pag-ibig.

Nakangiti niyang sabi, “Ayoko na rin. Okay na ako, okay na po. Happy na ako. Love life na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maayos naman daw ang trato ng kanyang non-showbiz boyfriend sa anak niyang si Katie.

Saad niya, “Mas more on kasama niya [Katie] yung boyfriend ko. Yung boyfriend ko yung mas nagga-guide sa akin para alagaan yung anak ko.

“Siya yung mas nagtuturo sa akin, kasi stubborn ako, di ba? Stubborn din yung anak ko.

“So, medyo mahirap kaming dalawa. Minsan nawawalan ako ng pasensiya, siya yung mas kalmado.

“Tinutulungan niya ako talaga. Siya yung mag-uusap, siya yung kakausapin ako, kakausapin niya yung anak ko.”

Ano ang tingin niya ngayon sa pag-ibig?

Ani Katrina, “Ako gusto ko kasi companion, yun talaga yung hinahanap ko.

"Noong eight years na sinabi ko na, 'Magbu-boyfriend ako.'

"Gusto kong hanapin yung makakasundo ko, yung parang kaibigan ko, yung makakasama ko hanggang pagtanda ko, yung companion, ganyan.”

Matalik daw na kaibigan ni John Lloyd Cruz ang nobyo ni Katrina.

Read: JOHN LLOYD CRUZ AT KATRINA HALILI, MAGKAIBIGAN LANG; BOYFRIEND NI KATRINA, MATALIK NA KAIBIGAN NI JOHN LLOYD — SOURCE

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Katrina Halili happy and contented with just having a boyfriend; says no to marriage and another baby: "Okay na ako, okay na po. Happy na ako. Love life na lang.”
PHOTO/S: Pau Guevarra / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results