Kiko Pangilinan is Leni Robredo's running mate in the 2022 elections

by Rachelle Siazon
Oct 8, 2021
Senator Kiko Pangilinan recounts how he and Vice President Leni Robredo initially didn't want to run for higher office, but they ended up running mates in the 2022 elections because of "call of duty."
PHOTO/S: Jerome Ascaño

Naghain na si Senator Francis "Kiko" Pangilinan ng certificate of candidacy bilang vice president sa 2022 elections.

Umaga ng Biyernes, October 8, nagtungo si Pangilinan sa Commission on Elections sa Sofitel Harbor Garden Tent sa Pasay City.

Kasama niya ang running mate na si Vice President Leni Robredo.

Sa talumpati ni Pangilinan nitong umaga, sinabi nitong tandang-tanda niya na April 15, 2021 nang una niyang hilingin kay Robredo na tumakbo ito sa pagkapangulo.

Sinabi raw ni Robredo noon na kung ito ang masusunod ay nais niyang bumalik sa serbisyo sa lokal na pamahalaan sa hometown nito sa Naga.

Ang tanging dagdag lang ng bise presidente: "If it is meant to happen, it will happen."

Matapos ang anim na buwang pagninilay, nang makapagdesisyon si Robredo na tatakbo itong pangulo, si Pangilinan naman daw ang hinikayat na kumandito bilang bise presidente nito.

ON MAKING A DECISION

Sa kaso raw ni Pangilinan, ang pinaghahandaan niya sana ay ang pagpapatuloy sa Senado, "at kung palarin ay maipagpatuloy na isulong ang aking adbokasiya na suportahan nang husto."

Continue reading below ↓

Pero nanaig daw ang "tawag ng tungkulin."

"Call of duty – hindi lang kay Ma’am Leni, hindi lang sa Partido, koalisyon o sa hanay ng mga supporters, pero sagradong tungkulin sa buong bansa."

Kinausap ni Pangilinan ang asawang si Sharon Cuneta sa pagkandidato niya bilang vice president, at sa tawag na "makatulong at maglingkod sa mas malawak na paraan sa gitna ng krisis sa kalusugan at ekonomiya sa bansa."

Patuloy ng senador sa kanyang talumpati: "Ito ang tumakbo sa isip ko nung kinausap ko si Sharon at ang aking pamilya sa request ni Vice President Leni.

"Hindi madaling baguhin ang mga plano nang last minute. Ipinagdasal naman namin nang taimtim ang linaw ng puso at pag-iisip.

"Mabigat na desisyon ito para sa akin at sa aking pamilya. Mabigat na tungkulin. Mas malaking hamon sa kampanya.

"Pero ang naging konklusyon ko: Mabigat nga ito, pero higit na mas mabigat ang pinagdadaanan ni Ma’am Leni at ng kanyang pamilya."

Continue reading below ↓


HEEDING THE "CALL OF DUTY"

Pinakamatinding tawag daw ang makapagserbisyo sa bayan.

"At sa totoo lang, pinakamabigat sa lahat ang pasan-pasan ng bawat nanay at tatay na nawalan ng trabaho at napuwersang mangutang sa tindahan, o manlimos, para lang makabili ng ulam para sa mga anak."

Sa kanyang pagtakbo bilang pangalawang pangulo, pareho pa rin daw ang nais ni Pangilinan mula nang siya ay maging student leader sa University of the Philippines.

Continue reading below ↓

Aniya: "Ang pangarap ko para sa bayan: Sana all may trabaho at maayos na kita.

"Sana all may sapat na pagkain sa mesa. Sana all may bakuna.

"Sana all ligtas sa sakit. Sana all may sariling tahanan. Sana all makapagtapos ng pag-aaral."

Sa huli ay nagpasalamat si Pangilinan na kasangga niya sa laban sa halalan si Robredo.

"Salamat, Ma’am, sa iniatang ninyo hindi lamang sa akin kundi sa ating mga kababayan na kayo’y tumakbo."

SHORT BIO

Si Pangilinan ay nanungkulang senador mula 2001-2013, at 2016 hanggang kasalukuyan.

Siya ay chair ng Philippine Senate Agriculture and Food Committee noong 2010-2013 at 2016-2017.

Naging chair din siya ng Philippine Senate Agrarian Reform Committee noong 2009-2010 at presidential assistant for Food Security and Agricultural Modernization.

Umupo siya bilang Senate Majority Leader noong 2004 hanggang 2008.

Una siyang naging konsehal sa Quezon City mula 1988-1992.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Kiko Pangilinan recounts how he and Vice President Leni Robredo initially didn't want to run for higher office, but they ended up running mates in the 2022 elections because of "call of duty."
PHOTO/S: Jerome Ascaño
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results