Leni Robredo on running for president: "Lalaban ako. Lalaban tayo."

by Rachelle Siazon
Oct 7, 2021
Vice President Robredo on fight against corruption and incompetence: "Nasa kanila ang pera, makinarya, isang buong istruktura na kayang magpalaganap ng anumang kuwentong gusto nilang palabasin. Pero di kayang tabunan ng kahit anong ingay ang katotohanan kung parehong uri ng pamamahala at pareho ang pagkatao ng mga magwawagi sa araw ng halalan."
PHOTO/S: Leni Robredo YouTube Channel

"Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan ng 2022."

Ito ang anunsiyo ni Vice President Leni Robredo matapos ang ilang linggong espekulasyon kung sasabak siya sa matinding laban para sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Sa kanyang talumpati ngayong umaga ng Huwebes, October 7, idiniin ni Leni na nais niyang wakasan ang "luma at bulok na klase ng pulitika" na aniya'y ugat ng mga problemang kinahaharap ng sambayanang Pilipino.

Pahayag niya, "Pagdating sa pamumuno, iisa lang dapat ang konsiderasyon: ano ba ang pinakamabuti para sa bansa natin?

"Lalong matimbang ang tanong na ito dahil sa napakalaking hamon ng pandemya.

"Ang dami nang namatay. Marami sa atin ginawa na ang lahat ng puwedeng gawin para mailigtas ang mga mahal sa buhay.

"Para makahanap ng pambili ng pagkain. Para maitawid ang sarili sa kinabukasan."

ON CORRUPT AND INCOMPETENT OFFICIALS

Pero ayon kay Leni, naging malaking hadlang ang korapsyon sa halip na punan ang pangangailangan ng mga nagkakasakit, mga health worker, at pati na ang mga nawalan ng trabaho.

Continue reading below ↓

"Samantala, bilyun-bilyong piso ang inilagay sa mga kuwestiyonableng kontrata, habang bilyung-bilyong Pilipino ang naghihikahos.

"Alam na natin ang lahat na ito. Kaya maraming nagugutom, naghihirap, at namamatay dahil sariling interes at hindi kapakanan ng Pilipino ang number one priority ng mga nasa poder...

"Hindi lang apelyido ng mga nasa poder ang dapat palitan. Yung corruption, yung incompetence... kailangan palitan ng matino at mahusay na pamumuno."

READY TO FIGHT

Naging bukas din si Leni na bago siya nagpasya ay kinausap niya ang ilang presidential candidates.

May kinalaman ito sa napabalitang pagnanais niyang magkaroon sana ng "united opposition," at kung magkaganoon ay handa siyang magbigay-daan.

"Nitong nakaraang linggo, nakipagpulong tayo sa iba't ibang mga personalidad.

"Nilinaw ko sa kanila na handa ako magbigay-daan at tumulong na lang.

"May alok din silang sumanib na lang ako bilang kandidato bilang bahagi ng kanilang administrasyon sakaling manalo sila.

"Ang tugon ko, 'Hindi ito tungkol sa posisyon. Di tayo nakikipag-usap para sa transaksyon.'

Continue reading below ↓

"Ang pinakamahalaga, magkaisa kami sa prinisipyo, sa pangarap para sa bansa, at sa landas na dapat tahakin tungkol sa katuparan ng mga ito."

Pero minsan nang nasabi ni Leni na hindi niya hawak ang desisyon ng ibang mga kandidato.

READY TO FIGHT

At ngayon, nakapagpasya siyang ipagpatuloy ang kanyang trabahong tumulong sa bansa.

"Ang nagmamahal kailangan ipaglaban ang minamahal," saad ni Leni, na napangiti nang marinig ang hiyawan ng mga tagasuporta.

Makalipas ang ilang segundong pananamihik, saka niya inihayag: "Buong-buo ang loob ko ngayon. Kailangan natin palayain ang sarili mula sa kasalukuyang sitwasyon.

"Lalaban ako. Lalaban tayo."

Handa raw siyang harapin ang laban mula sa halalan hanggang sa pagsulong ng mga plano niya para sa bayan sa tulong ng mga susuporta sa kanya.

"Malinaw sa lahat ang hamon sa lahat na kinahaharap natin. Nakita na natin ang pagsisinungaling at panggigipit na kayang gawin ng iba para maabot ang mga layunin nila.

Continue reading below ↓

"Nasa kanila ang pera, makinarya, isang buong istruktura na kayang magpalaganap ng anumang kuwentong gusto nilang palabasin.

"Pero di kayang tabunan ng kahit anong ingay ang katotohanan kung parehong uri ng pamamahala at pareho ang pagkatao ng mga magwawagi sa araw ng halalan."

Dagdag ni Leni, "Kaya tinatawag ko kayo. Gisingin ang natutulog pang lakas.

"Tumindig kayo. Tinitiyak ko, meron ding titindig sa tabi niyo."

Makakatunggali ni Leni sa laban para sa pagkapangulo sina Senator Ping Lacson, Senator Manny Pacquiao, at Mayor Isko Moreno.

Muli ring makakaharap ni Leni si Bongbong Marcos na tinalo niya sa pagka-bise presidente noong 2016 elections.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice President Robredo on fight against corruption and incompetence: "Nasa kanila ang pera, makinarya, isang buong istruktura na kayang magpalaganap ng anumang kuwentong gusto nilang palabasin. Pero di kayang tabunan ng kahit anong ingay ang katotohanan kung parehong uri ng pamamahala at pareho ang pagkatao ng mga magwawagi sa araw ng halalan."
PHOTO/S: Leni Robredo YouTube Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results