PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Chiu shuts down Kimerald reunion fantasy after fans' relapse

Kim and Gerald share a moment at Star Magical Christmas night.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Nov 25, 2025
Kim Chiu shuts down Kimerald reunion fantasy after fans relapse
Kim Chiu reacts to netizens relapsing over her viral interaction with former boyfriend Gerald Anderson at the Star Magical Christmas event, addressing renewed Kimerald buzz with a humorous tweet.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon

Agad binasag ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang pantasya ng Kimerald fans na natuwa at kinilig sa muli nilang pagkikita ng dating nobyo at loveteam partner na si Gerald Anderson.

Noong Linggo, November 23, 2025, nagkrus muli ang landas ng dating magkasintahan sa ginanap na Star Magical Christmas 2025.

Ang Star Magical Christmas ay annual gathering ng mga artista ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN Studio.

Ngayong taon, kapwa pinarangalan sina Kim at Gerald bilang Loyalty Awardees para sa kanilang dalawampung taong pananatili sa Star Magic.

Kasama rin sa batch ng awardees sina Jake Cuenca, Enchong Dee, Zanjoe Marudo, at Joem Bascon.

Matapos ang awarding ceremony, nakunan ng bidyo si Gerald na lumapit kay Kim upang bumeso at batiin ito.

Gerald Anderson and Kim Chiu's beso moment at Star Magical Christmas 2025
Photo/s: Screengrab from Star Magic YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parehong nakangiti ang dalawa sa maikli nilang pagtatagpo, ngunit agad ding umiwas si Kim at hindi na nakipagtsikahan sa kanyang ex-boyfriend.

Ngunit sapat na ito para matuwa ang netizens sa sandaling pagkikita ng dalawa.

Usap-usapan sa TikTok ang iba’t ibang video edits tampok ang kanilang pagkikita, na kadalasang sinasabayan ng kantang “Multo” ng Cup of Joe—na tumatalakay sa isang taong tila minumulto pa rin ng nakaraan nilang pag-ibig.

Read: Netizens react to Kim Chiu and Gerald Anderson's beso moment

Sa comments section ng mga naturang post, maraming Kimerald fans ang nang-intrigang baka may pag-asang magbalikan ang dalawa, lalo’t pareho silang single ngayon.

Ang huling nakarelasyon ni Gerald ay si Julia Barretto, habang si Kim naman ay matagal nang nauugnay kay Paulo Avelino—ngunit tikom ang bibig ng dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

KIM THROws SHADE AT GERALD

Sa gitna ng pagba-viral ng video nila ni Gerald, agad binasag ni Kim ang kilig at pagpapantasya ng netizens na tila nagre-relapse sa dati nilang tambalan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa X (dating Twitter) ngayong Martes, November 25, nag-post si Kim ukol sa trending na mga video nila ng kanyang ex-boyfriend.

Mababasang post ng aktres (published as is): "Nakakaloka yung feed ko ah. Kung makapagrelapse akala mo talaga eh di tayo niloko 15 years ago!!! hahahahaha char not char!!!!"

Kim Chiu shuts down Kimerald reunion fantasy after fans relapse
Photo/s: Screengrab Kim Chiu on X
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat walang binanggit na pangalan si Kim, marami sa kanyang fans ang agad na nagbalik-tanaw sa masalimuot na hiwalayan nila ni Gerald.

THE PAST OF KIMERALD

Sina Kim at Gerald ay parehong produkto ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Season 1 noong 2006.

Paglabas ng Bahay Ni Kuya, nabuo ang kanilang tambalang Kimerald hanggang sa mauwi ito sa totoong relasyon.

Taong 2010 nang maghiwalay ang dalawa matapos ang apat na taong pagiging magkasintahan.

Read: Showbiz History: Gerald Anderson tearfully admits hurting Kim Chiu’s feelings

Sa kasagsagan ng kanilang breakup, na-link si Gerald kay Bea Alonzo.

Naging magkarelasyon sila, ngunit naghiwalay rin dahil hindi umano pabor ang ina ni Gerald kay Bea.

Read: Gerald Anderson believes that death threats against him and Bea Alonzo are not from real Kimerald fans

Nagkatrabaho muli sina Gerald at Bea sa pelikulang How To Be Yours noong 2016, at dito muling nagkaroon ng espesyal na relasyon ang dalawa, matapos naman mahiwalay ni Gerald kay Maja Salvador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kim Chiu on rumored romance of Maja Salvador and Gerald Anderson: "Parang nalungkot lang ako kasi yung taong sinabihan ko nung time na down ako dun sa… yung parang kinain niya lang yung sinabi niya.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu reacts to netizens relapsing over her viral interaction with former boyfriend Gerald Anderson at the Star Magical Christmas event, addressing renewed Kimerald buzz with a humorous tweet.
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results