President Duterte vows justice for Christine Dacera; solons want probe on PNP’s “mishandling” the case

by Jet Hitosis
Jan 7, 2021
Rodrigo Duterte, Christina Dacera
Presidential Spokesperson Harry Roque reveals that President Rodrigo Duterte (left) promised the Dacera family that justice for Christine Dacera will be served under the present administration (right): “Sa administrasyon po ni Presidente, hindi niya hahayaan na ang mga kriminal ay hindi po mapaparusahan.”
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office, Instagram

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na “makakamit ang katarungan” sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera.

Si Christine, 23, ay natagpuang walang buhay sa bathtub ng isang hotel sa Makati City nitong January 1, 2021.

Base sa imbestigasyon ng Makati City Police, posible raw na ginahasa at pinatay ang dalaga.

Dahil dito, sinampahan ng provisional charges na rape with homicide ang 11 lalaking kasama ni Christine sa New Year’s Eve party sa parehong hotel nitong December 31.

Ito ay kahit natukoy sa medico-legal examination ng pulisya na “ruptured aortic aneurysm” ang ikinamatay ni Christine.

Hindi rin nagtugma ang report sa iginigiit ng Makati Police na mga indikasyong may humalay sa flight attendant.

Sinegundahan ito ng Makati City Prosecutor's Office.

Para sa prosekusyon, hindi sapat ang iprinisintang ebidensiya ng pulisya para makumpirmang hinalay at pinatay nga si Christine.

Pinagsusumite ng prosekusyon ang pulisya ng karagdagang mga ebidensiya para sa preliminary investigation sa January 13.

Continue reading below ↓

Pinalaya rin ng Makati City Prosecutor's Office ang tatlo sa 11 respondents na na-inquest na sa kaso.

DUTERTE VOWS JUSTICE FOR CHRISTINE

Sa kabila ng nangyari, kumpiyansa si Presidential Spokesperson Harry Roque na matutupad ni Pangulong Duterte ang ipinangako raw nito sa pamilya ni Christine.

“Ang pangako naman po ng Presidente ay makakamit po ang katarungan sa pamilyang Dacera,” sinabi ni Roque sa Malacañang press briefing ngayong Huwebes, January 7.

“Malalaman po natin ang katotohanan,” dagdag niya.

Bilang dating private prosecutor, sinabi ni Roque na hindi maituturing na setback sa kaso ang naging pasya ng Makati Prosecutor's Office.

Aniya, “makakabuti” pa raw sa kaso ang paghingi ng prosekusyon ng karagdagan at mas matibay na ebidensiya.

“Iyan po ay makakabuti dahil ang gusto ng piskal ay magkaroon ng additional na ebidensiya nang sa gayon, kapag naisampa ang kaso, dire-diretso na sa Muntinlupa ang mga magiging akusado,” paliwanag ni Roque.

Ang tinukoy niyang “Muntinlupa” ay ang National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, kung saan nakakulong ang mga nahatulan sa ginawang krimen.

Continue reading below ↓

“Ang layon po nito ay ma-convict beyond reasonable doubt yung mga suspek sa karumal-dumal na pagpatay na ito,” sabi ni Roque.

“DI HAHAYAANG ANG MGA KRIMINAL AY DI MAPAPARUSAHAN”

Kung pagbabasehan ang sinabi ng tagapagsalita ng Pangulo, mistulang kumbinsido ang Malacañang—gaya ng Makati City Police at ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas—na rape-slay ang nangyari kay Christine.

Dagdag ni Roque: “Sa administrasyon po ni Presidente, dahil siya ay abogado at dati pang piskal, hindi niya hahayaan na ang mga kriminal ay hindi po mapaparusahan.”

Una nang umapela kay Duterte ang pamilya Dacera sa isang press conference nitong Martes, January 5.

Doon ay paulit-ulit na nanawagan si Sharon Dacera, ina ni Christine, na tulungan ni Duterte ang kanilang pamilya na mapanagot ang mga nasa likod ng pagkamatay ni Christine.

SOLONS SEEK PROBE ON PNP’S “MISHANDLING” OF DACERA CASE

Pero para sa Makabayan Bloc sa Kamara, ang PNP daw mismo ang nakakasagabal sa pagkakamit ng hustisya sa pagkamatay ni Christine.

Continue reading below ↓

Dahil dito, hiniling nila sa House Committee on Public Order and Safety na imbestigahan ang “mishandling” ng PNP sa kaso ni Christine.

Ngayong Huwebes, pinangunahan ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas ang paghahain ng House Resolution No. 1458 upang silipin ng Kamara ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa kaso.

“The PNP’s mishandling of Dacera’s case poses the biggest stumbling block to the quest for truth and justice over Dacera’s death; it should stop using the case to rehabilitate its image if justice must be really served,” saad sa resolusyon.

Sa resolusyon, kinuwestiyon ng grupo ni Brosas ang pagsasapubliko ng PNP ng mga “unverified and inaccurate information” at “premature conclusions.”

Ang mga ito raw, ayon sa Makabayan Bloc, ay nagreresulta sa “trial by publicity, confusion most especially among Dacera’s family and friends, and undue stress and anxiety to various parties being dragged into the case.”

Ang Makabayan Bloc ay binubuo nina Brosas, Bayan Muna Representatives Eufemia Cullamat, Carlos Zarate, at Ferdinand Gaite; ACT Teachers Party-list Representative France Castro; at Kabataan Partylist Representative Sarah Jane Elago.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Presidential Spokesperson Harry Roque reveals that President Rodrigo Duterte (left) promised the Dacera family that justice for Christine Dacera will be served under the present administration (right): “Sa administrasyon po ni Presidente, hindi niya hahayaan na ang mga kriminal ay hindi po mapaparusahan.”
PHOTO/S: Presidential Communications Operations Office, Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results