Sino ang dapat paniwalaan kina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto?

by Jojo Gabinete
Oct 18, 2019
Sa lumalalang alitan sa pagitan ng magkakapatid na Gretchen,Marjorie, at Claudine Barretto, ang katanungan ngayon ng marami ay kung sino ba sa kanilang ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang nagsisinungaling.
PHOTO/S: Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Inaabangan ng mga sumusubaybay sa real-life Barretto family drama ang pagsasalita ni Marjorie Barretto tungkol sa away nila ng kanyang mga kapatid na sina Gretchen at Claudine dahil sa mga katanungang naghihintay ng mga kasagutan.

Reportedly, isa sa Barretto sisters ang may hinalang sinadya ni Gretchen na dumating sa burol ng kanilang ama na si Miguel Barretto noong Miyerkules ng gabi, October 16, habang nakikiramay si President Rodrigo Duterte.

Ganito rin ang paniniwala ng mga sumusubaybay sa away ng magkakapatid.

May mga haka-hakang posibleng inisip ni Gretchen na dahil sa presence ng Pangulo sa Heritage Memorial Park, hindi magkakaroon ng confrontation scene.

Pero iba ang nangyari dahil national news na ngayon at pinagpipistahan ng publiko ang nangyaring gulo sa pagitan ng Barretto sisters.

Diumano, ilang oras bago dumating si Duterte, sinabi ni Claudine sa kanyang pamilya na darating ang Pangulo para makiramay sa kanila.

Ipinagtaka raw ito ng kanyang mga kapatid dahil hindi naman sila malapit sa Presidente.

Continue reading below ↓

Hinihintay ang pagsasalita ni Marjorie dahil ito lamang ang tanging makapagkukumpirma kung totoong malakas ang kanilang kutob na orchestrated ni Gretchen ang mga naganap noong fateful Wednesday night.

DID MOMMY INDAY REALLY FAINT?

Nang mangyari ang kaguluhan sa pagitan nina Marjorie at Claudine kagabi, Huwebes, October 17, may kumalat na balitang hinimatay ang kanilang ina na si Inday Barretto.

Pero pinabulaanan ito ng isang eyewitness.

Diumano, si Claudine ang nagsabi kay Gretchen, sa pamamagitan ng isang phone call, na nahimatay ang nanay nila kaya sinabi ng huli na tumawag ng ambulansiya.

Pero iba ang sumunod na eksena—si Claudine at hindi ang Barretto matriarch ang dinala sa ospital ng tauhan ni Gretchen.

Si Gretchen naman ang makapagpapatunay kung totoo na gusto niyang magpapunta ng press sa burol ng kanyang ama nang malaman niya ang kaguluhang nangyari kagabi.

WHO IS TELLING THE TRUTH?

Sa lengthy Instagram post niya nitong Biyernes ng umaga, umapela si Marjorie sa publiko na huwag magpaloko sa pahayag ng kanyang mga kapatid.

Continue reading below ↓

Magsasalita raw siya at sasabihin ang buong katotohanan pagkatapos maihatid sa huling hantungan ang kanilang pumanaw na ama.

Hindi nagpatalo kay Marjorie si Gretchen dahil nagbanta rin itong sasabihin ang tunay na dahilan ng kanilang malalim na alitan, pati na ang big revelation tungkol sa molestation case na diumano’y isasampa ni Claudine laban sa isang tao na malapit sa ina ni Julia Barretto.

Continue reading below ↓

Pero isang nakakaalam sa tunay na pangyayari ang nagsabing hindi raw dapat paniwalaan ang claim ng youngest Barretto sister, na dalawang beses daw tinulungan ng taong pararatangan niya ng pang-aabuso.

ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA...

Dahil sa sagutan ng magkakapatid sa social media at sa mga eksenang nangyari sa magkasunod na gabi ng lamay para sa kanilang ama, masasakit na salita, panghuhusga at pagkondena ang tinatanggap ng Barretto sisters mula sa mga tao na may kanya-kanyang opinyon—mostly negative.

Continue reading below ↓

Naging insensitive at ipokrito ang ilan sa mga nakikisawsaw sa isyu dahil dalang-dala sila ng kanilang mga emosyon kaya personal na ang mga batikos nila laban kina Marjorie, Gretchen, Claudine, at sa ina ng magkakapatid.

Habang kinokondena nila ang mga inaasal ng Barretto sisters, excited ang bunch of hypocrites sa paghihintay sa mga susunod na pangyayari dahil, para sa kanila, isang real-life teleserye na kailangang subaybayan ang mga susunod na kabanata sa bangayan ng Barretto sisters na, sadly, mere entertainment lamang ang tingin nila.

Hindi rin ligtas ang Instagram account ni Joaquin “JJ” Barretto sa mga bumabanat sa kanyang mga kapatid na babae.

Si JJ ang ama ni Nicole Barretto, ang pamangkin ni Gretchen na napabalitang nagtangkang manakit sa kanyang tiya noong Miyerkules.

Continue reading below ↓

“Please stop fighting on my wall “ ang gentle appeal ni JJ sa followers niyang nagbibitaw ng masasakit na salita, pinag-aawayan, at hinuhusgahan ang kanyang mga kapatid na babae.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa lumalalang alitan sa pagitan ng magkakapatid na Gretchen,Marjorie, at Claudine Barretto, ang katanungan ngayon ng marami ay kung sino ba sa kanilang ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang nagsisinungaling.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results