Alex Diaz, dapat matuto sa nangyari kay Prince Stefan

by Jojo Gabinete
Oct 27, 2019
Mangyari kaya kay Alex Diaz (kaliwa) ang nangyari kay Prince Stefan (kanan) na pagkatapos umamin tungkol sa kanyang sexual orientation ay nilayuan ng mga lalaking kaibigan?
PHOTO/S: Alex Diaz Instagram / Prince Stefan Instagram

Overwhelming ang mga positive feedback tungkol sa pag-amin ni Alex Diaz na bisexual siya.

Biglaan at hindi sinasadya ang rebelasyon ni Alex na napilitang aminin ang katotohanan dahil sa online shaming na ginawa sa kanya ng fitness coach na si Miguel Lagman Chanco.

Naging pabor kay Alex ang opinyon ng publiko na nakikisimpatiya sa kanya at sinusuportahan siya, samantalang tumanggap naman si Miguel ng mga batikos dahil sa panghihiya niya sa embattled actor.

Pero hindi dapat maging kampante at hindi dapat magpadala si Alex sa suporta at mga papuri na natatanggap niya dahil sa pag-aming bisexual siya.

Dapat na maging aral kay Alex ang nangyari kay Prince Stefan na nilayuan ng ibang mga dating kaibigan nang umaming gay siya.

Suddenly, naramdaman ni Prince na nilalayuan siya ng mga lalaki (fellow actors included) na nagkaroon ng kaugnayan sa kanya noong hindi pa niya ipinagtatapat ang katotohanan tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.

Continue reading below ↓

Obviously, naging paranoid ang mga nangangamba dahil sa takot nilang baka ibulgar ni Prince ang kanilang pinakatatagong sikreto.

Walang dapat ikatakot kay Prince ang mga napapraning na closeted gays dahil hindi siya kiss-and-tell.

Sa kabila ng pagkakaroon ni Prince na makulay na buhay, isang relasyon lamang ang inamin niya sa publiko—ang love affair nila ni Paolo Amores na humantong din sa hiwalayan dahil sa irreconcilable differences.

Posibleng mangyari kay Alex ang naging karanasan ni Prince kaya dapat maging handa at matapang siya sa magiging epekto ng pagpapakatotoo niya sa sarili at sa mga tao.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mangyari kaya kay Alex Diaz (kaliwa) ang nangyari kay Prince Stefan (kanan) na pagkatapos umamin tungkol sa kanyang sexual orientation ay nilayuan ng mga lalaking kaibigan?
PHOTO/S: Alex Diaz Instagram / Prince Stefan Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results