Patuloy ang pagtulong ni Protégé: The Battle For the Big Break Season 1 Champion Krizza Neri sa kanyang batchmate na si Lovely Embuscado.
Kasalukuyan pa ring naka-confine si Lovely sa National Center for Mental Health (NCMH) dahil sa schizoprenia.
Si Krizza ang isa sa mga unang tumulong nang mabasa niya ang report ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong January 30, 2020, na homeless at naninirahan na lamang sa kalsada si Lovely at ang nanay nitong si Daisy.
Mula sa kalye, pansamantalang pinatira ni Krizza ang mag-ina sa isang apartelle sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.
Siya rin ang may idea ng benefit concert para kay Lovely sa Zirkoh noong February 8, 2020.
Matapos mairaos ang benefit show at sa pakikipagtulungan ng Kapuso Foundation, ipinasok ni Krizza sa NCMH si Lovely para magamot ang karamdaman nito.
Noong June 14, inumpisahan naman ni Krizza ang online donation para kay Lovely sa pamamagitan ng crowdfunding website na GoGetFunding.
Malapit na kasing maubos ang perang nalikom mula sa benefit concert.
LOVELY'S MOTHER TO REPORT KRIZZA TO DSWD?
Mula nang ipasok si Lovely sa NCMH noong February 15 ay hindi pa siya dinadalaw ng kanyang inang si Daisy.
Pero noong nakaraang linggo, nagbanta si Daisy na magrereklamo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil, diumano, pinilit lamang siya ni Krizza na ipasok sa NCMH si Lovely.
Bukod sa bantang irereklamo sa DSWD, biktima si Krizza ng harassment dahil sa mga text message na ipinadadala sa kanya ng ina ni Lovely.
May mga nagpapayo kay Krizza na tigilan na ang pagtulong kay Lovely.
Sa kabila kasi ng mga kabutihanng ginagawa niya, siya pa rin ang masama sa paningin ni Daisy.
Nanghihinayang si Krizza na ihinto ang pagkakawanggawa bilang ayaw niyang mabalewala at masayang ang naumpisahang pagpapagamot kay Lovely.
Tatlong buwan lamang dapat ang pananatili ni Lovely sa ospital, pero nagkaroon ng extension dahil sa coronavirus pandemic.
Sabi ni Kriza sa Cabinet Files, "Natatakot po kasi ako na baka masayang yung months ng treatment para lang gumaling si Lovely.
"Tapos dahil sa hirap ng buhay nila, baka bumalik.
"Plano ko po kasi kung aabot po ng 50K yung sa GoGetFunding, na mukhang impossible po, ibibigay ko sa kanila lahat para may pansimula si Lovely and para hindi na bumalik sa dati."
Pilit na lang daw inuunawa ni Krizza ang mga panggugulo na ginagawa sa kanya ng nanay ni Lovely dahil problemado rin ito.
ONLINE DONATION
Ito naman ang panawagan ni Krizza para kay Lovely na mababasa sa GoGetFunding site:
"We were able to raise up to a hundred thousand pesos, including donations sent from abroad.
"Right after the benefit concert, we took her to National Center for Mental Health to have her checked.
"There, she was diagnosed with schizophrenia.
"The bulk of the money went straight to Lovely Embuscado’s mental health treatment.
"A portion of it was given to her mom to help give her a fresh start.
"The money was also spent for their temporary shelter, food, and allowance.
"The funds that we raised have helped Lovely immensely, but I’m afraid that they won’t last long and may not be enough to sustain her mental health treatment.
"Her monthly treatment can reach up to Php 20,000 or more depending on the doctor’s professional fee and tests.
"The funds gathered are now low, amounting to Php 29,168.24.
"The original plan was to get her at least a 3-month long treatment— the funds would suffice. But because of the pandemic, she had to stay a bit longer.
"I hope we can all help Lovely and join her on this journey to overcoming Schizophrenia.
"All the money will go to her treatment, and whatever left will be given to Lovely and her mom."
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika