Janine Gutierrez, aalis na ng GMA-7 pagkatapos ng siyam na taon; pipirma ng kontrata sa ABS-CBN sa January 2021

by Jojo Gabinete
Dec 28, 2020
Inaasahang pipirma ng kontrata ang dating Kapuso star na si Janine Gutierrez sa ABS-CBN sa January 2021. Ito ay sa kabila ng kawalan ng prangkisa ng Kapamilya network.
PHOTO/S: Shaira Luna for PEP.ph

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa plano, mangyayari sa second week ng January 2021 ang pagpirma ni Janine Gutierrez ng kontrata sa ABS-CBN.

Ang paglipat ni Janine sa ABS-CBN ang isang malaking pagbabago sa kanyang showbiz career sa 2021, dahil siyam na taon siyang exclusive contract star ng GMA Network, Inc.

Major decision ang ginawa ni Janine dahil lilipat siya sa ABS-CBN sa panahong wala itong franchise.

Umalis at lumipat sa ibang TV networks at talent management agency ang mga artistang dating loyal sa Kapamilya station. Pero sa kabila nito ay pinili ni Janine na maging Kapamilya.

Si Leo Dominguez ang manager ni Janine. Katulong niya ang GMA Artist Center sa pamamahala ng career ng 31-year-old actress mula noong 2011 hanggang 2020.

Natapos noong November 1, 2020 ang kontrata ni Janine sa talent management agency ng GMA Network, Inc. pero hindi na nagkaroon ng contract renewal ang magkabilang-panig.

Maiiwan ni Janine sa Kapuso Network ang kanyang boyfriend na si Rayver Cruz, na dating ABS-CBN talent pero lumipat sa GMA 7 noong September 2018.

Continue reading below ↓

Isang drama series ang unang project ni Janine sa Kapamilya Network, at ito ang magiging announcement sa kanyang contract signing sa January 2021.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inaasahang pipirma ng kontrata ang dating Kapuso star na si Janine Gutierrez sa ABS-CBN sa January 2021. Ito ay sa kabila ng kawalan ng prangkisa ng Kapamilya network.
PHOTO/S: Shaira Luna for PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results