Bea Alonzo, tatlong pelikula ang nakalinyang gawin ngayong 2021

by Jojo Gabinete
Feb 6, 2021
bea alonzo films
Bea Alonzo will be very busy this 2021 with three film projects, including Birkin Scam, her reunion movie with John Lloyd Cruz, and her first movie with Alden Richards.
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram

Si Bea Alonzo ang lead actress ng upcoming movie project ng Reality Entertainment, Inc. na may working title na Birkin Scam.

Hango sa mga tunay na pangyayari ang kuwento ng Birkin Scam.

Si Bea ang nag-iisang choice ng mga producer ng Reality Entertainment, Inc. para gumanap sa challenging role na kakaiba sa lahat ng mga karakter na ginampanan niya sa kanyang mga nakaraang pelikula.

Si Erik Matti ang direktor ng project kaya inaasahang ibang Bea ang mapapanood sa Birkin Scam dahil nagawang baguhin ni Matti ang image ni Anne Curtis nang magbida ito sa BuyBust, ang blockbuster action-thriller film noong 2018.

Plano ng Reality Entertainment, Inc. na umpisahan sa October 2021 ang shooting ng Birkin Scam.

Sa kabila ng coronavirus pandemic, isa si Bea sa magiging pinakaabalang aktres ngayong 2021 dahil sa mga pelikula na gagawin niya sa Reality Entertainment, Inc., Star Cinema, at Viva Films.

Sisimulan sa susunod na buwan ang principal photography ng reunion movie nina John Lloyd Cruz at Bea sa Star Cinema.

Continue reading below ↓

Kasado na rin ang Philippine adaptation ng South Korean film na A Moment to Remember, ang first movie team-up nina Bea at Alden Richards.

Ang Viva Films ang producer ng A Moment to Remember at mula ito sa direksyon ni Nuel Naval.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo will be very busy this 2021 with three film projects, including Birkin Scam, her reunion movie with John Lloyd Cruz, and her first movie with Alden Richards.
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results