Trailer ng Tililing, sagana sa malulutong na mura, maseselang lengguwahe

by Jojo Gabinete
Feb 10, 2021
Baron Geisler, Gina Pareno, Candy Pangilinan, at Donnalyn Bartolome, nagpakitang-gilas sa aktingan sa pelikulang Tililing. Sa kuwento, tinalakay ang pagmamaltrato sa mental patients sa isang maanomalyang mental institution.
PHOTO/S: Screengrab from Tililing trailer

Nitong gabi ng February 10 inilabas ng direktor na si Darryl Yap ang official trailer ng Tililing.

At gaya ng mga trailer ng mga nauna niyang pelikula na Jowable at Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar, malakas ang shock value ng kontrobersiyal na pelikula na pinagbibidahan nina Gina Pareño, Chad Kinis, Donnalyn Bartolome, Cai Cortez, at Baron Geisler.

Sagana sa mga mura ang mga eksena sa official trailer ng Tililing na nagpapakita ng malungkot at kaawawang kalagayan ng mga baliw o may mental health illness.

candy pangilinan, cai cortez in Tililing

Continue reading below ↓

Malakas din ang impact ng dialogue ni Baron na "Ano ba ang kan**t? Masarap ba ‘yon?"

Imposibleng hindi ito pag-usapan at kondenahin ng mga moralista.

baron geisler in Tililing

Tililing ang pamagat ng pelikula dahil tililing ang salitang kalye ng mga Pinoy para sa mga taong may problema sa pag-iisip, kaya brilliant idea ang paggamit sa "Mamang Sorbetero" bilang theme song.

Continue reading below ↓

Ang "Mamang Sorbetero" ang sikat na kanta ni Celeste Legaspi noong 1979. Ginamit itong pamagat ng pelikulang pinagtambalan nila ni Joseph Estrada at official entry sa 5th Metro Manila Film Festival.

May eksena sina Donnalyn at Candy na may hawak na ice cream bell (pero mga nurse ng mental hospital ang mga karakter na kanilang ginagampanan) para ma-justify ang paggamit nila ng kampanilya o tililing na pangunahing instrumento ng mga sorbetero na nagtitinda sa kalsada ng dirty ice cream.

candy pangilinan, donnalyn bartolome in Tililing trailer

Continue reading below ↓

Naging kontrobersiyal, pinag-usapan, at umingay ang Tililing dahil inalmahan ng mga mental health advocate ang poster ng pelikula na nagpapakita sa mga artista ng pelikula na nakalabas ang mga dila.

Nang itanong namin kay Darryl kung may plano siyang palitan ang poster ng Tililing para hindi na batikusin ang pelikula niya, ito lang ang kanyang makahulugang sagot: "Abangan."

Tililing trailer

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler, Gina Pareno, Candy Pangilinan, at Donnalyn Bartolome, nagpakitang-gilas sa aktingan sa pelikulang Tililing. Sa kuwento, tinalakay ang pagmamaltrato sa mental patients sa isang maanomalyang mental institution.
PHOTO/S: Screengrab from Tililing trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results