PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas, Kiray Celis on Mahal's death

Ai-Ai: "Gusto kong umiyak pero hindi mag-sink sa akin na namatay na si Mahal."
by Jojo Gabinete
Published Aug 31, 2021
Nakasama nina Ai-Ai delas Alas at Kiray Celis ang namayapang komedyanteng si Mahal sa Kapuso primetime series na Owe My Love. Kasama rin sa cast ang kaibigan ni Mahal na si Mygz Molino.
PHOTO/S: Instagram

Tulala at hindi makapaniwala si Ai-Ai delas Alas nang makarating sa kanya ang balita tungkol sa pagpanaw ni Mahal nitong Martes, August 31, dahil sa kumplikasyon sa COVID-19.

Nagkasama at naging malapit sina Ai-Ai at Mahal sa isa’t isa sa lock-in taping ng Owe My Love, ang drama romantic-comedy series ng GMA-7 na napanood mula February 15, 2021 hanggang June 4, 2021.

Si Ai-Ai ang naging instrumento kaya nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mahal noong February 2021 tungkol sa platonic relationship nila ng kanyang kaibigan na si Mygz Molino.

“Hindi ako makapaniwala na wala na siya. Gusto kong umiyak pero hindi mag-sink sa akin na namatay na si Mahal,” sabi ni Ai-Ai nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong gabi.

“Si Kiray ang nagbalita sa akin na wala na si Mahal. Nabigla ako at pinagpawisan ako.”

Tuwang-tuwa si Ai-Ai kay Mahal dahil ito ang source of entertainment nila sa lock-in taping noon ng Owe My Love sa Bulacan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaya ni Ai-Ai, hindi matanggap ni Kiray Celis ang pagkawala ni Mahal, na naging kaibigan din niya nang magkasama sila sa Owe My Love.

“Sa liit na panahon na nakasama kita, ganun naman kalaki ang naibigay mong saya sa puso ko.

"Ayoko isipin.. ayoko tanggapin.. ayokong maniwala Ate Noeme mahal na mahal kita. Sana hindi totoo ito. Pls.." Instagram post ni Kiray tungkol sa pagpanaw ng kanyang Ate Noeme, ang tunay na pangalan ni Mahal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ng nakababatang kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero, “I feel numb. I’m shocked still. I don’t know what to think. Two family members in one month.”

Hindi matanggap ang halos magkasunod na pagpanaw ng kanyang ama at kapatid ngayong Agosto.

Kinumpirma ni Irene ang closeness ni Mahal kina Ai-Ai at Kiray.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Siya rin ang nagsabing 46 years old na si Mahal, at hindi 47.

Mismong si Mahal din ang nagpatunay na 46 years old siya sa exclusive interview sa kanya ng PEP.ph noong February 27, 2021.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakasama nina Ai-Ai delas Alas at Kiray Celis ang namayapang komedyanteng si Mahal sa Kapuso primetime series na Owe My Love. Kasama rin sa cast ang kaibigan ni Mahal na si Mygz Molino.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results