PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mahal's estranged husband mourns the passing of comedienne

Jobbie Hebrio: “Masakit pero need magpakatatag.”
by Jojo Gabinete
Published Sep 5, 2021
Jobbie Hebrio, ex-husband ni Mahal, magalang na tumangging magsalita tungkol sa pagpanaw ng komedyana. Ngunit nag-iwan siya ng maikling mensahe sa Facebook para sa babaeng pinakasalan niya.
PHOTO/S: Facebook

Ikinalungkot at ipinagluksa ni Jobbie Hebrio ang pagpanaw ng kanyang estranged wife na si Noeme Tesorero, aka Mahal.

Pumanaw si Mahal noong August 31 dahil sa COVID-19 complications.

“Masakit pero need magpakatatag,” maikling mensahe ni Jobbie sa Facebook nang makarating sa kanya ang balitang namayapa na si Mahal.

Nagpakasal sina Mahal at Jobbie sa Quezon City Hall noong November 2, 2015, All Souls Day. Pero humantong din sa paghihiwalay ang kanilang pagsasama.

Matagal nang wala sa Pilipinas si Jobbie dahil nagtatrabaho na ito sa ibang bansa.

Kahapon, September 4, nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap si Jobbie.

Magalangna tumanggi si Jobbie na magsalita tungkol kay Mahal, pero nagpasalamat siya sa oras na ginugol namin para matukoy ang kanyang kinaroroonan.

Ang kapatid ni Jobbie ang nagkumpirmang nalungkot ito sa pagpanaw ni Mahal, kahit sandali lamang ang kanilang pagsasama.

Nabanggit ng kapatid ni Jobbie na nagdadalamhati rin ang pamilya nila dahil naging parte si Mahal ng kanilang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naniniwala kaming nagkahiwalay man sila, may respeto at pagmamahal pa rin si Mahal kay Jobbie.

Sa exclusive interview ng Cabinet Files kay Mahal noong April 22, 2020, ipinagtapat niya ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Jobbie. Pero nakiusap siyang huwag nang isulat dahil nananahimik na sa ibang bansa ang kanyang estranged husband.

"Saglit lang ‘yon, huwag na nating pag-usapan. Nananahimik na siya," sabi ni Mahal.

Mabilis ang sagot noon ni Mahal nang itanong namin kung annulled na ba ang kasal nila ni Jobbie.

Aniya, "Okey na, inaayos ko na ang tungkol sa kasulatan na ginawa ko noong August 31, 2019."

Nagpadala ng mensahe si Mahal sa amin matapos ilabas ng PEP.ph ang panayam namin sa kanya dahil natuwa siya sa ipinadala niyang litrato na ginamit sa artikulo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ganda ko jan hahahaha. Thank you. Dami [basher]. Sulat mo hehehe n basa ko comment,” nakakaaliw na mensahe ni Mahal.

Hindi nagpaapekto si Mahal sa mga basher niya na nag-react tungkol sa pagpapakasal at paghihiwalay nila ni Jobbie.

Ihahatid na ang mga labi ni Mahal sa huling hantungan nito sa Himlayang Pilipino bukas, September 5.

Pero mananatiling buhay sa ating alaala ang mga interbyu sa kanya na nagpasaya sa PEPstres na matinding lungkot din ang naramdaman sa pagkawala niya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jobbie Hebrio, ex-husband ni Mahal, magalang na tumangging magsalita tungkol sa pagpanaw ng komedyana. Ngunit nag-iwan siya ng maikling mensahe sa Facebook para sa babaeng pinakasalan niya.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results