Sina Marco Gumabao at Marco Gallo ang leading men ni Julia Barretto sa Di Na Muli, ang romance drama ng Viva TV at TV5 na mapapanood tuwing Sabado simula sa September 18.
Pero sa ginanap na virtual presscon ng programa ngayong Lunes ng hapon, September 6, hindi naiwasang hindi mabanggit ang pangalan ni Gerald Anderson.
Tinanong kasi ang girlfriend nitong si Julia tungkol sa pagiging volunteer ng Auxiliary K9 Squadron ng Philippine Coast Guard.
Auxiliary Lieutenant Commander si Gerald ng Auxiliary K9 Squadron, at malaki ang kinalaman ng aktor kaya naging miyembro rin si Julia ng organisasyong kinaaaniban niya.
Saad ni Julia, “Of course, alam naman siguro ng lahat na si RJ, si Ge, ay isang miyembro ng Philippine Coast Guard for a couple of years now.
“So, nakasama ako sa iba niyang mga nagawang charity works, sa projects niya, donation drives niya.
“Madalas ko rin nakakasama siyempre yung Philippine Coast Guard every time they come up with events and projects, so they I asked me if I was interested in joining."
Paliwanag pa ng lead actress ng Di Na Muli, “I thought it was a good idea since sumasama na rin naman ako.
"And because I learned, as a volunteer, makaka-create ka rin ng projects and mga events na makakatulong sa mga taong nangangailangan ng tulong natin. That really got me interested.
"And nakita ko rin kasi yung effect ng helping other people through the other projects that I joined.
"RJ and I just wanted to kind of continue that and be a part of a cause."
Umaasa si Julia na magiging inspirasyon sa ibang tao ang pasya niyang maging volunteer sa Philippine Coast Guard.
“Sana that serves as an inspiration to get a lot of people to join. Ako naman ay isang volunteer lang, extra hand, and extra help.
“I’m just supporting the Philippine Coast Guard in their future projects. I’m very excited also,” pahayag niya.
Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.