PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ashley Diaz and Andre Yllana look up to KathNiel love team

Ashley Diaz at Andre Yllana, maging totohanan din kaya ang love team?
by Jojo Gabinete
Published Sep 27, 2021
Ashley Diaz at Andre Yllana, matagal nang magkakilala pero mas lalong naging malapit sa isa't isa nang magkatrabaho sa Di Na Muli.
PHOTO/S: Instagram

Ipinakilala ang love team nina Ashley Diaz at Andre Yllana sa Di Na Muli, ang Saturday night drama anthology ng TV5 at Viva Television.

Kapwa mula sa angkan ng mga artista ang dalawa.

Si Andre, 23, ay anak ng ex-couple na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana, at si Ashley ay anak ng dating action star na si Joko Diaz sa misis nitong ex-flight attendant.

Si Ashley, 17, ay Grade 12 sa San Beda College Alabang. Kahit artista na siya, hindi raw niya pinababayaan ang pag-aaral dahil ito ang mahigpit na bilin ni Joko.

"Have fun and huwag kalimutan yung studies. Super important po kay Papa na matapos ang studies ko," saad ni Ashley.

Pumasok sa showbiz si Ashley dahil na rin sa impluwensiya ng kanyang ama at tiyahin na si Cheska Diaz. Lolo ni Ashley ang pumanaw na character actor na si Paquito Diaz.

Sa kaso ni Andre, nagdesisyon siyang sundan ang mga yapak sa showbiz ng kanyang ama at ina nang pumirma siya ng kontrata sa Viva Artists Agency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatatak sa isip ni Andre ang payo ni Aiko na maging mapagkumbaba siya at mag-enjoy sa career na pinili niya.

Dati nang magkakilala sina Andre at Ashley, at lalo silang naging komportable sa isa’t isa sa lock-in taping nila para sa Di Na Muli.

Ang Di Na Muli ay pinagbibidahan nina Julia Barretto, Marco Gumabao, at Marco Gallo.

"We’re good friends. So I could say na close kami," pahayag ni Andre.

Posible bang magkagustuhan sila ni Ashley sa tunay na buhay?

Sagot ni Andre, "Bakit hindi po?"

"With the right effort," ang simpleng saad ni Ashley.

Pareho ang sagot nina Ashley at Andre na ang sikat na love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na may uniname na KathNiel, ang hinahangaan at nagbibigay-inspirasyon sa kanila.

Sabi ni Ashley, "For me, very inspiring po silang dalawa noong bata pa sila until now. Tapos ang galing nila mag-act."

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ashley Diaz at Andre Yllana, matagal nang magkakilala pero mas lalong naging malapit sa isa't isa nang magkatrabaho sa Di Na Muli.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results