Lito Atienza, naniniwalang si Manny Pacquiao ang "magbabago ng direksiyon ng buhay ng Pilipino"

by Jojo Gabinete
Oct 1, 2021
Mensahe ni Manny Pacquiao sa aniya'y mga corrupt government officials: "Lahat ng mga nagsasamantala diyan sa bayan, nagnanakaw, ninanakawan ang sambayanang Pilipino, e, bilang na po ang inyong maligayang araw sa inyong pagsasamantala diyan sa gobyerno."
PHOTO/S: Jerome Ascaño

Matapos maghain ng kanilang mga certificate of candidacy bilang pangulo at pangalawang pangulo sa Commission on Elections, humarap sa mga miyembro ng media sina Senator Manny Pacquiao at Buhay Partylist Representative Lito Atienza.

Naganap ang mediacon sa Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay City, ngayong Biyernes ng umaga, October 1.

Unang nagsalita si Atienza na sinabi ang mga dahilan sa pagpayag niyang maging bise presidente ni Pacquiao.

Pahayag ng dating Manila mayor, "Naniniwala po ako na si Manny Pacquiao ang tanging maaaring makapagbago ng pamumuhay ng Pilipino.

"Kung papaano niya binago ang kanyang kalagayan sa kahirapan, magagawa niyang baguhin ang kalagayan natin.

"Ang kahirapan ay laganap magmula noong ako’y batang lumalaki sa Maynila.

"Mahirap na ang buhay, lalong pinaghirap ng mga dumaang administrasyon."

Nasubaybayan raw ni Atienza ang mga panahon ng pagsisikap ni Pacquiao na maging mahusay na boksingero.

Lahad pa niya, "Si Manny Pacquiao, ipinanganak na mahirap. Nakita ko ang kanyang pagsisikap.

Continue reading below ↓

"Nakita ko ang kanyang determinasyon, yung tapang, yung kanyang pagpupunyagi upang mahango siya sa kahirapan at itanghal na pinakamagaling na boksingero sa kasaysayan ng tao, hindi lang sa Pilipinas, kasaysayan ng buong mundo.

"Katangi-tangi ang ipinakita ni Manny Pacquiao sa ibinigay sa kanya ng Panginoong Diyos."

Naniniwala si Atienza sa kakayahan ni Pacquiao na maluklok sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

"Ang sabi nga niya, bawat Pilipino merong biyayang ibinigay ang Panginoon noong tayo’y nilikha pero hindi natin nade-develop sa ating sariling lupa.

"Ngayon na ang pagkakataon mga kasama, Manny Pacquiao, magbabago ng direksiyon ng buhay ng Pilipino.

"Itatanghal tayong kampeon ng mundo, at ako po’y nagagalak na ako’y inanyayahan niya na samahan siya.

"Sasamahan ko po ang ating magiging pangulo ng bansa Manny Pacquiao," deklara ni Atienza.

WHAT IS MANNY'S PLATFORM?

Matapos magsalita ang kanyang bise presidente, si Pacquiao ang sumunod na nagpahayag ng saloobin tungkol sa presidential bid niya.

Continue reading below ↓

Inulit ni Pacquiao ang kanyang madalas sabihin tungkol sa kahirapan at korapsyon na nagpapahirap sa sambayanang Pilipino dahil aniya sa mga mapagsamantalang opisyal sa pamahalaan.

Kung anong eksaktong solusyon o plano niya para matugunan ang mga problemang ito ay hindi pa niya nabanggit sa ngayon.

Pahayag ni Pacquiao: "Ang aking pong pagtakbo ay hindi lamang para sa aking sarili o sa aking pamilya kundi para sa sambayanang Pilipino.

"Para po mabigyan ng magandang kinabukasan ang ating mga kababayan, lalung-lalo na itong paghihirap na matagal nang iniinda ng sambayanang Pilipino.

"Kailangan po nating tuldukan ang sitwasyon ng kanilang pamumuhay especially yung ekonomiya natin para palaguin.

"Unang-una po nating resolbahin ngayon yung hinaharap po nating pandemya na matagal na po nating hindi pa nabibigyan ng solusyon para makabalik po yung magandang ekonomiya natin at marami pong mabigyan ng trabaho.

"At higit sa lahat po, mabigyan natin ng pansin yung pag-improve ng ating Internet signal sa buong Pilipinas.

Continue reading below ↓

"Sunod po diyan ay pag-improve po ng ating kuryente at possible na pababain po natin yung presyo ng kuryente."

PACQUIAO CLAIMS HE WILL FIGHT CORRUPTION

Muling nagbabala si Pacquiao na bilang na ang maliligayang araw ng mga magnanakaw sa gobyerno kapag siya ang nahalal na pangulo ng bansa.

Bukod sa seryoso raw siya sa kanyang plano na sugpuin ang korapsyon, ito ang pangako niya sa Panginoong Diyos.

"At higit sa lahat, yung pagsugpo ng korapsyon.

"Lahat ng mga nagsasamantala diyan sa bayan, nagnanakaw, ninanakawan ang sambayanang Pilipino, e, bilang na po ang inyong maligayang araw sa inyong pagsasamantala diyan sa gobyerno," banta ng Pambansang Kamao.

Sabi pa niya, "Dahil kapag ako po ay inilagay ng Panginoon diyan, ipinangangako ko po, hindi lamang sa taong bayan, sa sambayanang Pilipino kundi kasama po ‘yan sa pangako ko sa Panginoon, na kailangan magsama-sama sila sa kulungan at mabigyan ng hustisya ang ating mga kababayan nang lumago ang ekonomiya ng ating bansa at magkaroon tayo ng tunay na pagbabago."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mensahe ni Manny Pacquiao sa aniya'y mga corrupt government officials: "Lahat ng mga nagsasamantala diyan sa bayan, nagnanakaw, ninanakawan ang sambayanang Pilipino, e, bilang na po ang inyong maligayang araw sa inyong pagsasamantala diyan sa gobyerno."
PHOTO/S: Jerome Ascaño
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results