Chavit Singson, hindi kasama sa mga pinasalamatan ni Manny Pacquiao sa pagreretiro niya sa boxing

by Jojo Gabinete
Sep 30, 2021
Marami ang nagtaka dahil hindi binanggit ni Senator Manny Pacquiao ang pangalan ng pulitikong si Chavit Singson sa mga pinasalamatan niya na tumulong sa kanyang boxing career. Hindi nawawala noon si Singson sa mga laban ni Pacquiao.
PHOTO/S: Jerome Ascano / SPIN.ph

Napatunayan ang star power ni Senator Manny Pacquiao bilang international boxer dahil sa pagbibigay-pugay sa kanya ng buong mundo nang mag-anunsiyo siya ng pagreretiro sa larangan ng boxing.

Headline ng The New York Times, Washington Post, People, BBC, at ng mga international news organization ang desisyon ni Pacquiao na talikuran ang propesyong nagpabago sa takbo ng kanyang buhay at ang presidential bid niya sa May 2022.

Sa kanyang farewell video, hindi nakalimutan ni Pacquiao na pasalamatan ang lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang tagumpay. Halos limampung pamilya at tao ang pinasalamatan ng Pambansang Kamao.

Pero marami ang nagtaka dahil hindi niya binanggit ang pangalan ng businessman at politician na si Luis "Chavit" Singson, ang incumbent mayor ng Narvacan, Ilocos Sur.

Matagal at malalim ang pinagsamahan ng dalawa dahil hindi nawawala si Singson sa mga laban noon ni Pacquiao.

Ikinagulat ng karamihan ang hindi pagsuporta ng seasoned politician sa nakaraang engkuwentro ng Pinoy boxing hero sa Cuban boxer na si Yordenis Ugas na naganap noong August 21, 2021 sa Las Vegas, Nevada.

Continue reading below ↓

Bago nangyari ang Pacquiao-Ugas fight noong nakaraang buwan, nagsalita si Singson sa Bombo Radyo Philippines tungkol sa hidwaan nila ng kanyang dating kaibigan.

"First time kong di nanood, dahil sa paglaglag niya sa akin na wala sa lugar," pahayag ni Singson sa interview.

Inamin ng Narvacan mayor na nagkaroon sila ng mga hindi pagkakaintindihan ni Pacquiao dahil sa kagustuhan ng senador na taasan ang buwis sa tobacco industry, na isa sa mga ikinabubuhay ng mga mamamayan ng Ilocos.

“Mag-aral ka muna!” payo ni Singson kay Pacquiao nang tanggihan nito ang pakiusap ng una na huwag dagdagan ang buwis sa tabako.

Para kay Pacquiao, bisyo ang sigarilyo at hindi dapat taasan ang presyo ng bigas at ng mga pagkain kaya tinanggihan niya ang hiling ni Singson.

Pahayag noon ni Pacquiao: “Kinausap niya ako sa tobacco tax increase. Huwag ko daw ituloy.

"Pero sabi ko, 'Pasensiya ka na. Best friend kita pero hindi kita mapagbibigyan.'"

Continue reading below ↓

Hindi itinago ni Chavit Singson ang galit nito sa mga taong nakapaligid kay Pacquiao na nagsulsol umano sa Pinoy boxing champ na dumistansiya sa kanya dahil sa magaganap na eleksyon sa May 2022.

Sabi ni Singson sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Philippines, "Sinulsulan kasi ng mga bagong handler na media na, 'Ipakita mo na di ka ma-control ng ibang tao.' Ako ang ginamit na sampol.

“Napakadali mong sinagot 'kako na kilala mo ako, di ko magagawa 'yan, ganoon sana dapat.

"Full support ako sa kanya noon, pero ngayong tinapon ako. Alangan ipagpilitan ko pa sarili ko?

"Sinakyan niya yung itinuro sa kanya... ang tagal ng pinagsamahan [namin] tapos ganoon lang ginawa sa akin, siyempre masama rin ang loob ko."

Ang alitan ng dalawa, na nagsimula sa isyu ng tobacco excise tax, ang sinasabing dahilan kaya hindi kasali si Singson sa mga pinasalamatan ni Pacquiao nang magretiro ito sa boxing.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marami ang nagtaka dahil hindi binanggit ni Senator Manny Pacquiao ang pangalan ng pulitikong si Chavit Singson sa mga pinasalamatan niya na tumulong sa kanyang boxing career. Hindi nawawala noon si Singson sa mga laban ni Pacquiao.
PHOTO/S: Jerome Ascano / SPIN.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results