Yul Servo, tatakbong Manila vice mayor; former PBB housemate Ali Forbes, kakandidatong QC councilor

by Jojo Gabinete
Oct 4, 2021
Mula sa pagiging kongresista ay tatakbong vice mayor ng Manila ang aktor na si Yul Servo (kaliwa), habang ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Ali Forbes (kanan) ay susubukan namang maging konsehal sa Quezon City.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Kakandidatong vice mayor ng Maynila ang aktor at Manila 3rd District House Representative na si Yul Servo sa May 2022 elections.

Si Yul ang running mate ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna, na tatakbo bilang alkalde ng kanilang lungsod.

Tumaas nang husto ang popularidad ni Lacuna sa constituents nila ni incumbent Manila Mayor Isko Moreno sa panahon ng coronavirus pandemic.

Nagamit ni Lacuna ang pagiging doktor dahil siya ang personal na nagtuturok ng COVID-19 vaccine sa ilang mga residente ng siyudad na nasasakupan nila ni Isko.

ARAGONES-EJERCITO IN LAGUNA

Sa probinsiya ng Laguna, naghain ng certificate of candidacy nitong Lunes ng umaga, October 4, si Laguna 3rd District House Representative Sol Aragones na kakandidato bilang gobernador.

Kasama ng dating TV Patrol reporter sa paghahain ng certificate of candidacy ang kanyang running mate, ang aktor na si Jerico Ejercito na nag-aambisyong mahalal na bise gobernador ng Laguna.

Si Jerico ay anak ng former Laguna governor na si ER Ejercito na kakandidato naman bilang alkalde ng Calamba City, Laguna.

Continue reading below ↓


Sol Aragones and Jerico Ejercito

ALI FORBES IN Q.C.

Ang mahalal na konsehal ng 6th District ng Quezon City ang puntirya ng former beauty queen at Pinoy Big Brother: Lucky 7 housemate na si Ali Forbes.

Nagsumite si Ali ng certificate of candidacy nito kahapon, October 3.

Sa kanyang Facebook at Instagram post, sinabi ng dating beauty queen na kakandidato siya dahil sa pagnanais niya na makatulong sa kapwa.

Continue reading below ↓

“Maraming magtatanong, maraming magtataka siguro kung bakit po tayo nag-file.

“Kung nasubaybayan n’yo po ang kwento ko sa Pinoy Big Brother, tayo po ay maraming pinagdaanan na pagsubok sa buhay ngunit hindi po ito naging hadlang para tayo ay maglingkod sa kapwa.

“Noon pa man po ay tayo ay meron nang mga charity work at nung dumating ang pandemya, mas marami po ang may kailangan ng tulong natin,” paliwanag ni Ali tungkol sa pagpasok niya sa pulitika.

Continue reading below ↓

PM VARGAS IN Q.C.

Ang kanyang kapatid na si Quezon City 5th District House Representative Alfred Vargas at si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kasama ni Councilor Patrick Michael "PM" Vargas nang maghain ito ng certificate of candidacy para sa congressional bid niya ngayong Lunes, October 4.


Continue reading below ↓

Mayor Joy Belmonte, PM Vargas, and Congressman Alfred Vargas

Tatakbo si PM na house representative ng 5th District ng Quezon City. Layunin daw niyang ipagpatuloy ang mga programang nasimulan ng kanyang kapatid.

“Para sa Diyos, Bayan, at Pamilyang Pilipino!!! Labis na pasasalamat ang gusto nating iparating sa ating mga ka-distrito.

“Sa loob ng mahigit isang dekada, nakasama at nagtiwala po kayo sa amin ni Kuya Cong Alfred Vargas, umaraw man o umulan, sa hirap at ginhawa, may pandemya o wala.

"Ipagpapatuloy natin ang mga magaganda nating nasimulan. Lalo pa nating patitingkarin ang kabutihan, pag-asa, malasakit, at pagmamahal sa isa’t isa."

Kasama si Mayor Joy Belmonte, hindi po namin kayo pababayaan kailanman. 'Yan po ang Tatak ng Alagang Vargas,” Facebook post ni PM tungkol sa desisyon niyang tumakbo bilang kongresista ng kanilang distrito.

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula sa pagiging kongresista ay tatakbong vice mayor ng Manila ang aktor na si Yul Servo (kaliwa), habang ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Ali Forbes (kanan) ay susubukan namang maging konsehal sa Quezon City.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results