Dennis Trillo, pangarap maging kontrabida ng bagong Kapuso na si John Lloyd Cruz

by Jojo Gabinete
Nov 9, 2021
dennis trillo john lloyd cruz kapuso actors
Dennis Trillo (left) on John Lloyd Cruz being a Kapuso: "Excited ako. Natutuwa ako na nandito na siya. Excited ako na balang-araw, sana magkaroon kami ng project na magkasama."
PHOTO/S: Instagram /Twitter

Ang maging kontrabida ni John Lloyd Cruz ang isa sa mga pangarap ni Dennis Trillo.

Ipinagtapat ito ni Dennis sa farewell virtual media conference ng Legal Wives na naganap ngayong Martes ng hapon, November 9.

Parehong nag-umpisa sa ABS-CBN ang mga acting career nina Dennis at John Lloyd, pero hindi sila nabigyan ng pagkakataong magkasama sa mga movie at television project.

Opisyal na ang pagiging Kapuso actor ni John Lloyd, na magkakaroon ng sariling programa sa GMA-7 at tumanggap ng mainit na pagsalubong nitong Martes ng tanghali mula sa GMA Network executives.

“Excited ako. Natutuwa ako na nandito na siya.

"Excited ako na balang-araw, sana magkaroon kami ng project na magkasama. Welcome John Lloyd,” sabi ni Dennis tungkol sa pagdating ni John Lloyd sa GMA-7.

Lubos naman ang pasasalamat ni Dennis sa lahat ng mga tumangkilik sa Legal Wives, ang primetime drama series ng Kapuso Network na magwawakas sa darating na Biyernes, November 12.

Continue reading below ↓

Nagpapasalamat din si Dennis dahil sa mga sunud-sunod na biyayang dumarating sa kanya, tulad ng hindi inaasahang pagbubuntis ng fiancéee niyang si Jennylyn Mercado.

MISSION ACCOMPLISHED

Tumanggap si Dennis ng mga papuri dahil sa mahusay na pagbibigay-buhay niya sa karakter ni Ismael Makadatu, ang pangunahing karakter sa Legal Wives.

Para sa Kapuso actor, “mission accomplished” siya sa nalalapit na pamamaalam sa telebisyon ng Legal Wives.

“Mission accomplished talaga," sambit niya.

"Sa totoo lang, nung simula pa lang, sa mga unang lock-in taping namin, nakapag-usap-usap kami.

“Inisip namin na, 'Ito ba yung klase ng show na dapat nating gawing ngayong pandemic na heavy tapos napakalaking show?'

“Marami tayong restrictions na hindi natin puwedeng gawin sa mga eksena.

“Marami kaming pag-aalinlangan kaya ang sarap ng pakiramdam na maganda yung pagtanggap ng manonood.”

Hindi pa masabi ni Dennis ang kasunod na proyekto niya pagkatapos ng Legal Wives, pero hindi siya nawawalan ng mga pinagkakaabalahan tulad ng pag-aalaga kay Jennylyn.

Continue reading below ↓

Saad niya, “Ngayon, nandito lang ako sa bahay. Madalas, nag-aalaga ako kay Jen.

“Yung work ko, siguro mga ilang weeks pa pero hindi ako kasali sa regular cast, so mabilis lang yun.

Busy ako mag-edit ng mga video para sa YouTube channel, yun ang mga pinagkakaabalahan ko.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Trillo (left) on John Lloyd Cruz being a Kapuso: "Excited ako. Natutuwa ako na nandito na siya. Excited ako na balang-araw, sana magkaroon kami ng project na magkasama."
PHOTO/S: Instagram /Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results