AJ Raval, napaiyak dahil sa panghuhusga sa kanya ng ibang tao

by Jojo Gabinete
Nov 17, 2021
aj raval crying
AJ Raval: “Alam niyo yung hindi ako nagsinungaling, nagsabi ako ng totoo, pero na-judge pa rin ako. Nag-try akong mag-explain pero wala pa rin makaintindi…"
PHOTO/S: Viva Entertainment Facebook

May importanteng aral na natutunan si AJ Raval nang magkaroon siya ng kaugnayan kay Aljur Abrenica.

Sa virtual media conference ng Crush Kong Curly ngayong Miyerkules ng hapon, November 17, naging maingat na ang sexy star sa pagsagot nang tanungin tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng puso niya.

“Ayoko munang pag-usapan po. Next question na lang po.

"Ayoko na pong magbitaw ng kahit anong salita tungkol sa love life or anything," sagot at pakiusap ni AJ sa press conference ng sexy-comedy movie ng Vivamax na pinagbibidahan nila ni Wilbert Ross.

Sa trailer ng Crush Kong Curly, “Respeto muna bago judgment” ang isa sa mga linya ng karakter ni AJ kaya tinanong siya kung naranasan na niyang mahusgahan sa tunay na buhay.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, napaiyak si AJ habang nagsasalita.

Tila bumalik sa kanya ang sakit ng kalooban na naramdaman nang batikusin siya noon ng publiko nang aminin niyang nagkakamabutihan sila ni Aljur.

Continue reading below ↓

Sagot niya, “Yes, ako po. Na-judge po ako. Tingin ko, alam naman yun ng mga karamihan dito.

“Alam niyo yung hindi ako nagsinungaling, nagsabi ako ng totoo, pero na-judge pa rin ako.

"Nag-try akong mag-explain pero wala pa rin makaintindi…"

Hindi natapos ni AJ ang pagsasalita, napaiyak, at kumuha ng tissue para pahirin ang kanyang mga luha.

Sa kabila ng pag-iyak ni AJ, sinagot pa rin nito ang tanong kung nagkaroon na siya ng boyfriend na tinututulan o hindi tinanggap ng pamilya niya.

“Na-experience ko na before, pero hindi po ako yung hindi tinatanggap. Ang na-experience ko po, yung family ko hindi tinatanggap yung guy.

“Yung tatay ko po kasi, laging nakabantay sa akin before.

“Kinakausap po niya, e, yung tatay ko naman po kasi luko-luko rin, so nagwo-worry din po yung guy.

"Parang siya na yung mismong lumalayo. Hindi ko rin naman po ipinaglaban,” pahayag ni AJ, na anak ng dating action star na si Jeric Raval.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval: “Alam niyo yung hindi ako nagsinungaling, nagsabi ako ng totoo, pero na-judge pa rin ako. Nag-try akong mag-explain pero wala pa rin makaintindi…"
PHOTO/S: Viva Entertainment Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results