PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Raval nagka-mental breakdown dahil sa matinding bashing

AJ Raval, tinulungan ang sarili para malampasan ang mental breakdown.
by Jojo Gabinete
Published Dec 10, 2021
aj raval pep
AJ Raval: "Ang dami ko po nare-receive na kung anu-ano. May mga death threat pa po. May mga galit na galit po sa akin. Nag-detox na lang po ako kasi nakakasira po talaga ng mental health yung social media."
PHOTO/S: AJ Raval Facebook

Nag-alala si AJ Raval na baka muli siyang maging biktima ng bashing dahil sa kanyang pag-amin tungkol sa pagpapalagay ng breast implants noong nakaraang taon at sa planong ipaalis sa 2022 ang silicone gel sa dibdib para sa “freedom” niya.

Inamin ito ni AJ sa media conference ng Crush Kong Curly kahapon, December 9.

Sinabi ni AJ na nagkaroon siya ng mental breakdown dahil sa mga batikos sa social media na natanggap niya mula nang maugnay sila ni Aljur Abrenica sa isa’t isa.

Naranasan ni AJ na umiyak nang umiyak, hindi makatulog at hindi makakain dahil sa mga basher kaya nag-social media detox siya at ipinaubaya sa isang administrator ang kanyang mga social media account.

“Sobrang toxic na ng social media para sa akin. Ayoko na po magpaapekto. Nagme-mental breakdown po ako,” pagtatapat ni AJ.

Sinubukan daw niyang magpaliwanag tungkol sa mga isyung kanyang kinasasangkutan pero hindi raw siya naintindihan ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni AJ, “Ang dami ko po nare-receive na kung anu-ano. May mga death threat pa po. May mga galit na galit po sa akin.

"Nag-detox na lang po ako kasi nakakasira po talaga ng mental health yung social media."

Nang tanungin kung kumonsulta siya sa isang psychiatrist para mabigyan ng lunas ang kanyang mental breakdown, "hindi" ang sagot ni AJ.

Ayon sa sexy star, siya mismo ang tumulong sa sarili.

“Parang ako rin po ang tumulong sa sarili ko. Ang dami ko po nagawa ever since nag-social media detox ako.

“Nilibang ko ang sarili ko, nakalipat po ako ng bagong bahay, nakabili ako ng bagong sasakyan.

"Pero yung negative na nangyayari, ginawa ko po siyang positive. Gusto kong mag-improve sa sarili ko. Gusto ko rin po mag-grow."

Kahit hindi aktibo sa social media at hindi siya ang personal na namamahala sa kanyang social media accounts, ikinatuwa at ipinagpasalamat ni AJ ang balitang pangatlo siya sa listahan ng Top Search Queries for 2021 sa Female personalities category ng Google Philippines.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval: "Ang dami ko po nare-receive na kung anu-ano. May mga death threat pa po. May mga galit na galit po sa akin. Nag-detox na lang po ako kasi nakakasira po talaga ng mental health yung social media."
PHOTO/S: AJ Raval Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results