PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Beatrice Luigi Gomez, isang male tattoo artist ang bagong pag-ibig?

Sino ang lalakeng inuugnay kay Miss Universe PH 2021 Beatrice Luigi Gomez?
by Jojo Gabinete
Published Dec 23, 2021
Beatrice Luigi Gomez, Kate Jagdon
Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez, nauugnay sa isang male tattoo artist na tiga-Cebu. Huling nakarelasyon niya ay ang longtime girlfriend na si Kate Jagdon. Naghiwalay sila ilang linggo bago sumabak si Beatrice sa 70th Miss Universe.
PHOTO/S: Miss Universe Philippines Facebook / Instagram

Tanging si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez, 26, ang makakasagot sa isyung isang male tattoo artist diumano na kababayan niya sa Cebu ang kanyang bagong inspirasyon.

Ang rumored romance ni Beatrice at ng mystery tattoo artist ang pinag-uusapan sa Cebu at mabilis na nakarating sa Metro Manila matapos idaos ang 70th Miss Universe.

Hinihintay ang reaksiyon ni Beatrice tungkol sa bagong isyung kinasasangkutan niya.

Pero kahit hindi siya magsalita, tiyak na magkakaroon ng sariling imbestigasyon ang netizens na hindi magpapaawat sa kagustuhang malaman ang pangalan at hitsura ng tattoo artist na iniuugnay sa bisexual beauty queen.

Nang sumali at manalo si Beatrice sa Binibining Cebu noong 2020, hindi niya inilihim na kapwa babae ang kanyang karelasyon.

Limang taon tumagal ang pagmamahalan nila ng disc jockey na si Kate Jagdon.

Si Beatrice ang nagwagi ng Miss Universe Philippines 2021 crown noong September 30, 2021.

Nasubaybayan dito ng Pinoy pageant fans na hindi niya ikinahiya ang relasyon nila ni Kate pati na ang kanyang pagiging openly gay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BEATRICE'S BREAKUP WITH KATE

Pero ilang araw bago lumipad si Beatrice sa Israel para sa 70th Miss Universe, ibinunyag ni Kate na hiwalay na sila ng beauty queen.

Inilabas ni Kate ang rebelasyon sa pamamagitan ng isang Instagram story noong November 23, 2021.

Ang buong pahayag niya: "These past few weeks have been the most difficult time of my personal life.

"It was a conscious decision to keep quiet, after all this is a personal matter and I chose my privacy above everything else.

"I don't want to say anything more that fits anyone's situation. This statement will be short before rumours and falsifications get out of hand.

"Bea and I have parted ways. I am simply taking this step to move forward and go on with my life. Nothing more.

"I can't thank my family and friends enough for holding my hand during this difficult time and I know you will continue to do so as I take the road to healing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We all go forward with love and respect and I wish Bea the best of luck in her journey.

"At this moment, please respect my privacy and this will be the last time I will address the issue. Thank you."

Tumagal ng higit anim na taon ang kanilang relasyon.

BEATRICE on being a proud bisexual

Ipinagbunyi ng Pilipinas si Beatrice nang makabilang ito sa Top 5 candidates ng 70th Miss Universe na naganap noong December 13 sa Eilat, Israel.

At sa swimsuit competition, proud "bisexual" ang introduction sa kanya ng pageant host.

Noon pa man ay bukas sa pagsasabi si Beatrice na grade school siya nang una niyang matuklasang interesado siya sa mga babae.

At habang lumalaki raw siya, napagtanto niyang interesedao siya mapababae o lalake.

Hangad daw niyang magkaroon ng acceptance at inclusivity pagdating sa LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, questioning, intersex, at asexual) community.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez, nauugnay sa isang male tattoo artist na tiga-Cebu. Huling nakarelasyon niya ay ang longtime girlfriend na si Kate Jagdon. Naghiwalay sila ilang linggo bago sumabak si Beatrice sa 70th Miss Universe.
PHOTO/S: Miss Universe Philippines Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results