“Oh my God, Sid, you’re so wild! Nakakaloka ka!”
Ito ang reaksiyon ni Nathalie Hart nang marinig niya ang pag-amin ni Sid Lucero na naranasan na nito ang makipagtalik sa loob ng sasakyan, tulad ng eksenang ginawa nila ni Cindy Miranda sa Reroute.
Sina Cindy, Sid, at John Arcilla ang mga co-star ni Nathalie sa sexy/drama/suspense/thriller movie na Reroute.
Kahit liberated ang tingin sa kanya ng publiko, lumilitaw ang pagiging konserbatibo ni Nathalie kapag mga personal na karanasan na ang pinag-uusapan.
“Hindi pwede sa akin ang mga ganyan, nakakahiya! Nakakahiya and super chapter. Hindi talaga, ayoko!” reaksiyon ni Nathalie nang tanungin kung naranasan na niyang makipagtalik sa loob ng sasakyan.
“Kung yun lang ang puwedeng ibigay sa akin, wala ka makukuha sa akin. No thanks, no!
“I’m not interested kasi gusto ko, romance. I want romance. I don’t like yung mga ganyan.
"Yung exciting part? Depende na lang pero gusto ko yung pinaghandaan. Yung may light-light,” ang nagmamatigas na sabi ni Nathalie, na kinaaliwan ng cast at production staff sa set ng Reroute dahil sa kanyang kikay character.
Ang pagiging prangka ni Sid tungkol sa kanyang mga sexcapade noong kabataan niya ang ikinagulat ni Nathalie kaya nasabi nito, “Nakakaloka ka, Sid!’"
Kuwento ni Sid tungkol sa kanyang kapusukan noon: “When I was younger. I even remember the setting, hindi ako masyadong kinabahan kasi sakto yung setting na 'to.
"Nandoon kami sa pinakamataas na part ng parking lot tapos biglang umulan nang todo-todo.
"Tapos, walang ibang kotse sa pinakatuktok ng parking lot. Tapos, isang oras umulan, tapos cramps… mahirap… ouch… mainit."
Idinagdag ni Sid na hindi siya nakaramdam ng takot na baka may makahuli sa kanila ng kasama niya sa loob ng sasakyan dahil sa malakas na buhos ng ulan.
“I already knew that walang pupunta sa car kasi grabe yung ulan. Parang bumabagyo,” may kapilyuhang pagbabalik-tanaw ni Sid tungkol sa pagiging experimental niya sa pakikipagtalik.