PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Gumabao at Sid Lucero, ibinahagi ang mga naranasang pang-aabuso

Paolo at Sid, namana sa kani-kanilang ama ang husay sa pag-arte.
by Jojo Gabinete
Published Jan 29, 2022
paolo gumabao sid lucero silip sa apoy
Silip Sa Apoy stars Paolo Gumabao (kaliwa) at Sid Lucero, namana ang husay sa pag-arte sa kani-kanilang mga ama na sina Dennis Roldan at Mark Gil, respectively. Incidentally, parehong nagsimula ang showbiz career nina Dennis at Mark noong 1978.
PHOTO/S: Vivamax

Pinupuri ang mahusay na pagganap nina Paolo Gumabao at Sid Lucero sa sexy-drama movie na Silip Sa Apoy.

Marami ang nagsasabing nagmana sila sa galing sa pag-arte sa kanilang mga ama, sina Dennis Roldan at Mark Gil, respectively, ang mga aktor na magkasabay na nag-umpisa ang mga acting career noong 1978.

Si Dennis ay kasalukuyang nakakulong sa National Bilibid Prison matapos mahatulan ng lifetime imprisonment, noong 2014, dahil sa kasong kidnapping ng isang Filipino-Chinese boy noong 2005.

Pumanaw si Mark, sa edad na 52, noong 2014.

Hindi lamang ang acting abilities, na minana nila mula kina Dennis at Mark, ang dahilan ng pagiging mahusay na artista nina Paolo at Sid.

Pareho ring biktima ng pang-aabuso ang dalawa noong mga bata pa sila.

Apparently, ang kanilang mga malulungkot na karanasan ang pinaghuhugutan nina Paolo at Sid ng malalalim na emosyong nagagamit nila sa mga pelikula at TV assignments kaya lumutang nang husto ang kanilang mga kakayahan sa pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PAOLO AS A STUDENT IN TAIWAN

Natatandaan ni Paolo na natikman nito ang pinakamatinding pang-aabuso mula sa kanyang mga guro at kaklase noong naninirahan pa sila ng pamilya niya sa Taiwan.

Lahad niya, “Ang pinakaaalala ko na abuse sa buhay ko is nung time na nasa Taiwan ako, dun pa ako nag-aaral, when I was in elementary.

“I was studying in a traditional Chinese school. I was the only foreigner there, I was the only one who look different and I was the only Filipino."

Patuloy niya, “Sa Taiwan kasi, medyo they look down on us Filipinos, lalo na iba yung hitsura ko sa kanila. The students would physically abuse me, like it gets physical a lot of times, actually.

“What's crazy about it is pati yung teachers... the teachers would verbally abuse me.

“Halimbawa, when I was in third grade, I remember, my Science teacher, pinaharap niya ako sa lahat ng mga kaklase ko in the classroom.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Aminado ako, medyo makulit ako noong bata ako. Pero in third grade, pinaharap niya ako sa mga kaklase ko. And in Chinese, she said na, ‘Don’t be friends with this kid because when he grows up, he will be trash.’

“I walked out then went straight to the bathroom after that. Yun lang naman.

"Pero pagdating ko sa Pilipinas, luckily, okay na lahat. My family is very loving, never kami nagkaroon ng ganoong tipo ng problem sa family namin, which I am very fortunate for that."

DIFFERENT TYPES OF ABUSE

Nagpakatotoo naman si Sid nang magkuwento ito tungkol sa maraming klase ng pang-aabuso na pinagdaanan niya, pero nagbigay sa kanya ng mga importanteng aral sa buhay.

Saad niya, “When I was growing up with my dad, he had issues and it came out, and of course, it affected the marriage and us, the kids.

“I was bullied in school, that’s another form of abuse. I abused myself in the gym, if I go to the gym, all the time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I came from a really dark past with substances which I did to myself, that’s another form of abuse.

“I’m also a Filipino and I live in a country where we should be getting more than we deserve, which means I’m surrounded by people who abuse their power.

“The abuse goes on and on. It’s just how we go by the day, di ba?”

Nang tanungin tungkol sa madilim na kahapon na tinutukoy niya, muling naging matapat si Sid sa pagsagot.

“[In college], I had a dark past that was violent, I was into drugs and then that stopped.

"And then, in the middle of my career, I kinda got fell back into it and then let my ego swallow me up basically.

“And then, I spent the last nine years to get myself back together. I think I’m doing okay,” pahayag ni Sid.

Ipinangako ni Sid sa sariling gagawa siya ng maraming pelikula ngayong 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaki ang posibilidad na matupad ang layunin ni Sid para sa kanyang acting profession dahil sa sipag at determinasyong ipinakikita niya buhat nang magbida siya sa Reroute at Silip Sa Apoy, ang mga sexy drama movie na kasali sa Top 10 list ng Vivamax para sa linggong ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Silip Sa Apoy stars Paolo Gumabao (kaliwa) at Sid Lucero, namana ang husay sa pag-arte sa kani-kanilang mga ama na sina Dennis Roldan at Mark Gil, respectively. Incidentally, parehong nagsimula ang showbiz career nina Dennis at Mark noong 1978.
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results