Watch Now

Tom Rodriguez, ilag sa press dahil ayaw sagutin ang isyu nila ni Carla Abellana?

by Jojo Gabinete
Mar 4, 2022
Tom Rodriguez, Carla Abellana
Nagpasabi ang kampo ni Tom Rodriguez na hindi makakadalo sa presscon ng pinagbibidahan nitong The Last Five Years. Ito ay sa gitna ng kontrobersyal na mga patamang batikos ng misis niyang si Carla Abellana laban sa aktor.
PHOTO/S: @akosimangtomas / @carlaangeline Instagram

Hindi nabigyan ng pagkakataon ang entertainment press na makausap sina Meg Imperial at Tom Rodriguez dahil hindi nagkaroon ng media conference ang The Last Five Years.

Ito ang relationship movie na tinatampukan nila at nagsimula ang streaming sa Vivamax ngayong Biyernes, March 4, 2022.

May dapat panghinayangan si Meg dahil hindi niya naikuwento sa entertainment writers na ang The Last Five Years ang pinakamaganda sa lahat ng pelikulang kanyang pinagbidahan.

May katotohanan ang social media post ni Meg noong 2021 na ang The Last Five Years ang may pinaka-mature na kuwento sa mga pelikulang ginawa niya.

Tinalakay rito ang mga isyung hindi binibigyan ng pansin at malaking dahilan kaya hindi nagtatagal ang ilan sa mga relasyon.

Pinanood namin ngayong Biyernes ng hapon ang The Last Five Years. Mahusay si Meg bilang Joan, ang babaeng nakipaghiwalay sa kanyang live-in partner na si William (Tom).

Hindi inalok ni William ng kasal si Joan sa kabila ng limang taong pagsasama nila, kaya nakipaghiwalay si Joan sa kanyang live-in partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakita ni Meg sa pelikula ang maturity niya bilang aktres, pero hindi nagpatalo si Tom na magaling din sa karakter na kanyang ginampanan.

NO INTERVIEW BECAUSE OF TOM-CARLA ISSUE?

Malaki ang kinalaman ng mga nangyayari ngayon sa personal na buhay ni Tom kaya iniiwasan nitong magpainterbyu at humarap sa entertainment media.

Nagpasabi ang kampo ni Tom na hindi makakadalo sa presscon ang aktor, pero kahit papaano, bumawi naman ito sa mga social media post niya para i-promote ang pelikula nila ni Meg.

Ibang-iba sa kuwento ng pelikula ang love story ni Tom sa tunay na buhay.

Saksi ang publiko sa pagmamahalan ni Tom at real-life sweetheart na si Carla Abellana, hanggang sa nagkaroon ng problema ang relasyon nila.

January 2022 napabalitang nagkalamat ang pagsasama nina Tom at Carla, tatlong buwan lamang pagkatapos nilang ikasal sa simbahan. Bago ito ay pitong taon silang magkasintahan.

Sunud-sunod ang pahiwatig ni Carla sa social media na may problema sa relasyon nila ni Tom sa pamamagitan ng pag-like niya sa mga comment na hindi pabor sa kanyang estranged husband.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Carla Abellana reacts to netizen calling Tom Rodriguez a "cheater"

Lalo itong nagpapalala sa sitwasyon kaya hindi matapus-tapos ang mga haka-haka at kontrobersiya kaugnay ng kanilang buhay mag-asawa.

Sina Carla at Tom lamang ang puwedeng magpahinto sa isyu na sila rin ang nagsimula.

Read: Tom Rodriguez and Carla Abellana's love story: a timeline

A PIECE OF ADVICE

Kung gusto ni Carla ng kapayapaan at para mahinto na ang pagkalat ng fake news tungkol sa kanila ni Tom, tularan niya si Kylie Padilla na mas nakababata sa kanya.

Hindi natakot si Kylie na harapin at tanggapin ang katotohanang tuluyan nang nagwakas ang relasyon nila ni Aljur Abrenica.

Sa pamamagitan ng pagpapainterbyu kay Jessica Soho at sa mismong pagsagot niya sa netizens, tinuldukan ni Kylie ang mga isyu tungkol sa relasyon nila ni Aljur.

Nagpatuloy siya sa kanyang buhay, kaya bilang babae at isang ina, nakuha niya ang paghanga, simpatiya, at respeto ng publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kylie Padilla on Aljur Abrenica: "While we were formally married, I never had any extra-marital relationships with other men."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpasabi ang kampo ni Tom Rodriguez na hindi makakadalo sa presscon ng pinagbibidahan nitong The Last Five Years. Ito ay sa gitna ng kontrobersyal na mga patamang batikos ng misis niyang si Carla Abellana laban sa aktor.
PHOTO/S: @akosimangtomas / @carlaangeline Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results