Gabriela, naglabas ng statement tungkol sa pananakit umano ni Kit Thompson kay Ana Jalandoni

by Jojo Gabinete
Mar 18, 2022
kit thompson, ana jalandoni
Gabriela on Kit Thompson-Ana Jalandoni issue: "We support the conduct of a full investigation on the incident, as we reiterate our stand against violence against women. Nothing justifies the acts of violence inflicted on women by their partners. This latest incident highlights the need to amplify the #LabananAngAbuso campaign to end violence against women."
PHOTO/S: @realanajalandoni on Instagram

Maagap sa paglalabas ng pahayag ang GABRIELA Party-list tungkol sa insidenteng kinasasangkutan ni Kit Thompson at ng girlfriend nitong si Ana Jalandoni.

Read: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after allegedly injured by boyfriend Kit Thompson

May hashtag na #LabananAngAbuso ang pahayag ng GABRIELA, na kilala sa pagtatanggol sa mga karapatan ng kababaihan sa balitang, diumano, biktima si Ana ng pisikal na pananakit ni Kit sa insidenteng naganap sa isang hotel sa Tagaytay City nitong Biyernes ng madaling-araw, March 18, 2022.

Bahagi ng kanilang pahayag: “Gabriela Partylist is deeply concerned over the reported incident involving actor Kit Thompson and actress Ana Jalandoni in Tagaytay City. This unfortunate news comes at a time when we are celebrating Women's Month.

“Jalandoni reportedly sought help after she was allegedly detained and injured by Thompson. A photo of Jalandoni with swollen eyes is also making rounds on social media.

“We support the conduct of a full investigation on the incident, as we reiterate our stand against violence against women. Nothing justifies the acts of violence inflicted on women by their partners.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“This latest incident highlights the need to amplify the #LabananAngAbuso campaign to end violence against women.

“We hope for the full recovery of Jalandoni from her injuries and trauma.”

gabriela statement on kit-ana

Ang isang empleyado ng hotel at ang isang police officer ng Tagaytay City Police ang nagsabi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na isinugod si Jalandoni sa Tagaytay Medical Center para gamutin ang kanyang mga sugat sa katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa Tagaytay Police, 6:29 a.m. nang matanggap ang 911 call para tulungan si Ana at naging mabilis ang kanilang pagresponde.

Nagsimula ngayong March 18 ang full moon na tinawag na Worm Moon kaya eksaktong full moon nang maganap ang diumano’y pananakit kay Ana ni Kit.

Si Kit ang lead actor sa Moonlight Butterfly, ang sexy drama movie na nagsimula rin ngayong Biyernes ang streaming sa Vivamax.

Ang sumbong ni Ana sa kanyang mga kaibigang sinasaktan at papatayin siya ni Kit ang nagpaalaala naman sa mga nakapanood ng Sarap Mong Patayin ng bayolenteng pambubugbog ng karakter ng aktor kay Ariella Arida sa isang eksena ng kanilang dark sexy-comedy movie na nag-umpisa ang streaming sa Vivamax noong October 15 at palabas pa rin hanggang ngayon.

Editor's Note: Base sa ulat ni Tagaytay PNP Chief Rolando Baula, sumailalim sa inquest si Kit bandang 5:00 p.m. nitong Biyernes, Marso 18, 2022. Sinampahan siya ng reklamong paglabag sa Section 5A ng Republic Act 9262 o Violence Against Women Act.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Kit Thompson alleged assault of girlfriend Ana Jalandoni caused by jealousy, says police

READ: Ana Jalandoni posts cryptic message amid assault allegation against boyfriend Kit Thompson

READ: Kit Thompson in Tagaytay police custody; his girlfriend treated for injuries

READ: Kit Thompson’s camp releases statement about Tagaytay incident

READ: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after alleged assault by boyfriend Kit Thompson

READ: Kit Thompson’s camp releases statement about Tagaytay incident

RELATED STORY

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabriela on Kit Thompson-Ana Jalandoni issue: "We support the conduct of a full investigation on the incident, as we reiterate our stand against violence against women. Nothing justifies the acts of violence inflicted on women by their partners. This latest incident highlights the need to amplify the #LabananAngAbuso campaign to end violence against women."
PHOTO/S: @realanajalandoni on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results