Watch Now

Ex-husband ni Ana Jalandoni, tumatakbong vice mayor sa Nueva Ecija; ex-gf ni Kit Thompson, may komento tungkol sa ugali ng aktor

by Jojo Gabinete
Apr 4, 2022
ana jalandoni renan morales kit thompson
(Left) Ana Jalandoni and ex-husband Renan Morales during their happier days; (right) Kit Thompson and Ana during the early days of their relationship.
PHOTO/S: Instagram

Ikinagulat ng mga residente ng San Antonio, Nueva Ecija ang rebelasyon ni Ana Jalandoni na si Renan Morales ang lalaking pinakasalan ng sexy star sa Amerika noong 2017 at hiniwalayan noong 2018.

Read: Ana Jalandoni opens up about ex-husband who was once linked to Kris Aquino

May pinagmumulan ang pagkagulat ng mamamayan ng San Antonio dahil kumakandidato si Renan bilang bise alkalde ng kanilang bayan sa ilalim ng partido ng UniTeam para sa halalan sa May 9, 2022.

Gumagamit siya ng moniker na "Bespren" dahil siya ang chairman ng Bespren ng Bayan Foundation.

renan morales

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ilang mga residente, hindi raw nila akalaing may nakaraan si Renan at ang sexy star na kontrobersiyal ngayon dahil biktima ng pambubugbog ng kanyang estranged boyfriend na si Kit Thompson.

Read: Ana Jalandoni in tears as she tells how Kit Thompson hurt her badly in March 17 fight: “Mamamatay ako dito kapag di ako tumakas."

Sina Andrea del Rosario, Jeni Hernandez, Juliana Palermo, at Arci Muñoz ang ilan sa mga showbiz personality na nagkaroon ng kaugnayan kay Renan, pero si Ana lamang ang kanyang pinakasalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni Ana sa unang bahagi ng panayam ni Boy Abunda sa The Interviewer ng The Boy Abunda Talk Channel na magkaibigan pa rin sila ni Renan, kahit humantong sa paghihiwalay ang pagpapakasal nila sa Amerika.

Ito ang dahilan kay nagalit ang ex-husband ni Ana nang malaman nito ang brutal na pananakit na ginawa ni Kit sa kanya.

Si Renan ang tinutukoy ni Ana na isa sa mga pinagseselosan ni Kit.

Pero sa pangalawang bahagi ng pakikipag-usap sa kanya ni Boy, inamin ng sexy star na nagselos din ang aktor sa isang lalakeng "London-based."

Lahad ni Ana, “Banggitin ko na rin Tito Boy na nagkaroon ako ng relationship, LDR [long-distance relationship]. Pero hindi kami nagkita in person kasi taga-London siya pero na-in love ako sa kanya.

“Ang tagal naming magka-chat, taon… Hindi rin kami nagkita. Pinapa-unfollow din niya [Kit] sa akin. Sabi ko, sige.”

KIT THOMPSON'S EX-GIRLFRIEND

Ang panig pa lang ni Ana ang naririnig ng publiko tungkol sa pambubugbog sa kanya ni Kit sa isang hotel sa Tagaytay City noong March 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa insidente, nangyari ang kinatatakutan at iniyakan ng 25-year-old actor ang pagkakakulong niya sa Tagaytay Detention Center mula March 18 hanggang March 21, 2022.

Nananatiling tahimik si Kit na tumatanggap ngayon ng kaliwa’t kanang mga batikos dahil sa pananakit niya kay Ana.

Naging mitsa rin ito para maungkat ang decade-old tweet reply ng ex-girlfriend ni Kit, ang former actress-beauty queen na si Imelda Schweighart.

Noong April 24, 2012, isang netizen ang nagtanong noon kay Schweighart kung bakit nito iniwan si Kit na mabait at sikat naman.

Kapapasok pa lang noon ni Kit bilang housemate sa Pinoy Big Brother Teen Edition 4.

Bale wala ang itsura kapag nalaman mo ang ugali,” makahulugang sagot ni Schweighart na isang pahiwatig na naghiwalay sila ni Kit dahil sa ugali nito.

imelda schweighart tweet

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng lahat ng mga nabanggit sa artikulong ito.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Ana Jalandoni and ex-husband Renan Morales during their happier days; (right) Kit Thompson and Ana during the early days of their relationship.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results