Watch Now

AJ Raval tinanggihan ang Scorpio Nights dahil kay Aljur Abrenica?

by Jojo Gabinete
Apr 19, 2022
AJ Raval
"Pantasya ng bayan" na si AJ Raval, may stipulation bago magpaka-daring sa susunod niyang sexy movie: "Depende sa story, sa twist ng story. Kumbaga, parang laging may end goal yung story ng script. Kung magpapaseksi po ako, yung may katuturan."
PHOTO/S: @ajravsss Instagram

Hindi lamang ang planong mag-aral sa June 2022 ang rason kaya tinanggihan ni AJ Raval na gawin ang Scorpio Nights 3.

Read: AJ Raval, titigil na sa pagpapaseksi kaya umatras sa Scorpio Nights 3?

Umamin siyang hindi niya rin nagustuhan ang script ng proyektong napasakamay ng sexy star na si Christine Bermas.

"Yes po" ang walang pagdadalawang-isip na sagot ni AJ kung nagiging pihikan na siya sa materyal ng tatanggapin niyang proyekto.

"Ayoko pong magsinungaling, pero may ganoon din po na part sa akin, kasi po parang nagbabawas na rin po ako sa pagpapaseksi," pag-amin ni AJ.

Pero paglilinaw rin niya, "Sa ngayon po, yung pagpapaseksi, no problem po sa akin yun.

"Gustung-gusto ko po yung pagpapaseksi. Natutuwa po ako na tinatawag kami na pantasya ng bayan.

"Siguro po, pagdating sa story, gusto ko po kung magpapaseksi ako, yung meaningful po.

"Depende sa story, sa twist ng story. Kumbaga, parang laging may end goal yung story ng script.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung magpapaseksi po ako, yung may katuturan."

Nagdesisyon man siyang tanggihan ang Scorpio Nights 3, tiniyak ni AJ na ipagpapatuloy pa rin niya ang pagpapaseksi kaya walang dahilan para tuluyang malungkot ang kanyang male fans.

"Hinding-hindi ko po bibitawan ang pagpapaseksi, masaya po ako dun at dun ako nakilala ng mga tao," pangako ni AJ.

May mga nagsasabing may kinalaman si Aljur Abrenica sa desisyon ni AJ na huwag gawin ang Scorpio Nights 3.

Matagal nang hinihinalang may relasyon ang dalawa, at mismong ama ni AJ na si Jeric Raval ang nagbuking na "nagmamahalan" sina AJ at Aljur.

Pero kung anu't ano man, ang malinaw ay isa si Aljur sa mga pinagpilian para gumanap sa karakter ni Daniel Fernando sa original version ng pelikula.

Si Raymond Bagatsing naman ang gaganap sa role na ginampanan noong 1985 ng pumanaw na aktor na si Orestes Ojeda.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pantasya ng bayan" na si AJ Raval, may stipulation bago magpaka-daring sa susunod niyang sexy movie: "Depende sa story, sa twist ng story. Kumbaga, parang laging may end goal yung story ng script. Kung magpapaseksi po ako, yung may katuturan."
PHOTO/S: @ajravsss Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results