Ang mga kontrobersiya at mga lalaking naiugnay noon kay Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi

by Jojo Gabinete
May 1, 2022
Celeste Cortesi with Willie Revillame and Joseph Marco
Bukod sa kontrobersiyal na pagkapanalo niya noon sa Miss Philippines Earth Italy 2018, naiugnay rin si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi kina Willie Revillame (kaliwa) at Joseph Marco (kanan).

Ang 24-year-old Filipino-Italian beauty na si Silvia Celeste Cortesi ang itinanghal na Miss Universe Philippines 2022 sa coronation night na ginanap sa Mall of Asia Arena noong Sabado, April 30,2022.

Hindi baguhan si Cortesi sa pagsali sa beauty pageants dahil siya ang nanalong Miss Philippines Earth noong May 2018 na idinaos din sa Mall of Asia Arena.

Pamilyar na pamilyar si Cortesi sa nabanggit na venue dahil dito rin ginanap ang 18th edition ng Miss Earth noong November 3, 2018 at hindi man nanalo, nakabilang naman siya sa Top 8 candidates.

Si Cortesi ang naging kinatawan ng Filipino community sa Italy sa Miss Philippines Earth at kontrobersyal ang kanyang pagkapanalo noon dahil sa mga kababayan natin na nagprotesta.

Sa March 14, 2018 interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa eyewitness na si Meryle Cabautan Apelado, sinabi nito na marami ang pumalag sa panalo ni Cortesi dahil hindi raw ito deserving na i-represent sa Miss Earth Philippines 2018 ang Filipino community sa Italy.

Continue reading below ↓

"Wala siyang breeding sa video na ipinost niya. Nagtuturo siya sa video ng translation ng bitch at 'F' word sa isang non-Italian speaking guy,” ang isa sa mga reklamo noon laban kay Cortesi.

Read: First-ever Miss Philippines Earth Italy hounded by controversies; host announces wrong winner

Sa kabila ng mga akusasyon laban kay Cortesi ng mga Pilipino sa Rome, siya ang nagwagi ng Miss Earth Philippines 2018 title at nanalo sa Best in Swimsuit competition, ang special award na tinanggap din niya kagabi sa Miss Universe Philippines 2022.

Na-link din si Cortesi kay Willie Revillame noong 2018 nang maging guest co-host siya ng Wowowin.

Celeste Cortesi and Willie Revillame

Continue reading below ↓

Ito ang report ng Cabinet Files noong October 21, 2018 tungkol sa special treatment ni Willie kay Cortesi noong hindi pa siya masyadong kilala ng publiko:

“Naging guest co-host si Celeste ng Wowowin at marami ang nakapansin sa sobrang pagkagiliw sa kanya ni Willie.

“According to a source, nagulat si Celeste nang makatanggap ito ng brand new and expensive cellphone mula kay Willie, na normal na para sa mga co-host at production staff ng Wowowin dahil likas na generous ang popular television host.

“Marami ang kinilig sa guesting ni Celeste sa Wowowin dahil game na game siya sa pakikipagpalitan kay Willie ng mga biro.

“Nakarating sa amin ang impormasyong malaki ang posibilidad na kunin ni Willie si Celeste bilang Wowowin co-host.

“Hindi nakaligtas sa matalas na paningin at pakiramdam ng audience ang kakaibang sigla ni Willie, na eligible bachelor pero matagal nang walang napapabalitang inspirasyon at karelasyon, kapag kaharap niya ang dalaga.”

Continue reading below ↓

Read: Miss Philippines Earth 2018 Celeste Cortesi, bagong apple of the eye ni Willie Revillame?

Hindi lamang si Willie ang Filipino celebrity na na-link kay Cortesi dahil nagkaroon ito noon ng relasyon sa aktor na si Joseph Marco.

Joseph Marco and Celeste Cortesi

Celeste Cortesi and Joseph Marco

Continue reading below ↓

Ipinakilala ni Joseph si Cortesi bilang girlfriend niya sa kanyang 31st birthday noong October 4, 2019 pero hindi nagtagal ang kanilang relasyon dahil may iba nang girlfriend ngayon ang aktor.

Celeste Cortesi and Joseph Marco

Read: Joseph Marco confirms relationship with Filipino-Italian beauty queen

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa kontrobersiyal na pagkapanalo niya noon sa Miss Philippines Earth Italy 2018, naiugnay rin si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi kina Willie Revillame (kaliwa) at Joseph Marco (kanan).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results