Wowowin ni Willie Revillame, babaguhin ang viewing habit ng mga Pinoy

by Jojo Gabinete
Sep 7, 2022
willie revillame shouting
Willie Revillame on moving timeslot of his show Wowowin: "Naisip ko na sa hapag-kainan, kapag kayo’y kumakain at ang mga napapanood ninyo, e, mga balita na hindi maganda, masakit ho ‘yan sa mata ng mga bata, sa tenga nating lahat. Hindi na tayo dapat nanonood ng masasakit na balita. Nakaka-down. Kaya ang gagawin namin, yung 7 p.m. to 8:30 p.m., Monday to Saturday, habang kumakain ang pamilya sa hapag-kainan, kami ang kapiling ninyo."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Nagbago ang television landscape nang pagkaitan ng Kongreso ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN noong July 2020.

Read: ABS-CBN Corporation franchise renewal timeline

Sa nalalapit na pagbubukas ng ALLTV ng All Media Broadcasting System sa September 13, 2022 tila madaragdagan ang pagbabago sa telebisyon dahil sa pahayag ni Wowowin host Willie Revillame.

Inihayag ni Willie na simula sa September 13, mapapanood tuwing ala-siete ng gabi ang Wowowin dahil gusto niyang magbago ang viewing habit ng televiewers.

Naniniwala si Willie na hindi dapat napapanood ng mga bata ang mga negatibong balita sa telebisyon kaya napagkasunduan nila ng management ng ALLTV na ilagay sa 7 p.m. timeslot ang kanyang game at public service show.

Sad niya, “Bakit ginawang 7 p.m.? Maiba lang.

"Naisip ko na sa hapag-kainan, kapag kayo’y kumakain at ang mga napapanood ninyo, e, mga balita na hindi maganda, masakit ho ‘yan sa mata ng mga bata, sa tenga nating lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi na tayo dapat nanonood ng masasakit na balita. Nakaka-down.

"Kaya ang gagawin namin, yung 7 p.m. to 8:30 p.m., Monday to Saturday, habang kumakain ang pamilya sa hapag-kainan, kami ang kapiling ninyo.

“Babaguhin na natin. Para sa akin, dapat habang kumakain ang pamilya, hindi nanonood ng mga bad news. Hindi masakit sa tenga, hindi masakit sa mata.

“Yung mga balita, sa gabi na kapag tulog na ang mga bata.

"Pero ngayon, 7 to 8:30 p.m., tawag, bigay, tawag, tulong, bigay ng pag-asa dahil dito sa ALLTV, Sama All, Saya All, kasama ang Wowowin sa pagbibigay ng pag-asa sa bawat Pilipino.”

May trivia rin si Willie na muli siyang mapapanood sa Channel 2 na pinanggalingan niya noon dahil ipinagkaloob ng Duterte government sa AMBS ang frequency na matagal na nakatoka sa ABS-CBN.

Read: Richest Pinoy Manny Villar takes over ABS-CBN channels: A Timeline

“Nakakatuwa. Yung mga dati kong kasama sa Wowowee, kasama ko na uli ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung sa engineering [department] na dati kong kasama sa Channel 2, ngayon, kasama ko uli sila sa Channel 2.

"Grabe ang buhay ‘no?” hindi makapaniwala pero masayang-masayang reaksiyon ni Willie.

Nakatakda ang soft launch ng ALLTV sa September 13.

Sa Wil Tower Mall ang pansamantalang studio ng network habang ginagawa pa ang dalawang malalaking studio sa Starmall, sa EDSA, Mandaluyong City na magiging permanenteng tahanan ng Wowowin at ng bagong noontime variety show na bubuksan ng AMBS.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame on moving timeslot of his show Wowowin: "Naisip ko na sa hapag-kainan, kapag kayo’y kumakain at ang mga napapanood ninyo, e, mga balita na hindi maganda, masakit ho ‘yan sa mata ng mga bata, sa tenga nating lahat. Hindi na tayo dapat nanonood ng masasakit na balita. Nakaka-down. Kaya ang gagawin namin, yung 7 p.m. to 8:30 p.m., Monday to Saturday, habang kumakain ang pamilya sa hapag-kainan, kami ang kapiling ninyo."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results