Alden Richards, "very proud" sa Start-Up PH; Bea Alonzo, may natutunan sa Kapuso actor

by Jojo Gabinete
Sep 17, 2022
alden bea premiere
Bea Alonzo on Start-Up PH leading man Alden Richards: "Close niya lahat ng mga tao, yung mga staff, yung mga artista. He’s very playful on set na parang siya yung nagse-set ng tone. Happy daw. Kadalasan kasi may pagka-serious type ako pagdating sa trabaho. Natutunan ko sa kanya na you don’t have to take so many things too seriously."
PHOTO/S: Noel Orsal

Walang silyang bakante sa special screening ng first two episodeds ng Philippine adaptation ng popular Korean drama series na Start-Up na naganap sa Cinema 2 ng Robinson’s Galleria ngayong Sabado ng gabi, September 17, 2022.

Buong-buo ang suporta na ibinigay ng mga tagahanga nina Bea Alonzo, Alden Richards, Jeric Gonzales, at Yasmien Kurdi.

Bago nag-umpisa ang screening, nagkaroon muna ng press conference para sa cast ng primetime drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa September 26.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit ang official trailer pa lang ng Start-Up PH ang napapanood ni Alden, nagbitaw ito ng salitang ipagkakapuri nila ang kanilang palabas.

“We have a show. We have something that we can be very proud of.

“Based sa trailer na napanood natin, may laban po kami. May laban po yung show,” sabi ng Kapuso actor.

Ang Start-Up ang unang pagsasama nina Alden at Bea sa isang television project, pero nagkakilala ang dalawa sa shooting ng kanilang product endorsement sa Bangkok, Thailand.

Kaya may sagot agad ang aktor nang tanungin tungkol sa working relationship nila ng kanyang kapareha.

Saad ni Alden, “Noong first time ko naka-work si Bea, sa isang endorsement abroad, sa Bangkok. Dun kami unang nagkita.

“Nasa kabila [ABS-CBN] pa siya noon. Parang sabi ko na really looking forward ako na, one day, magkaroon kami ng project together.

“Natutupad talaga yung mga pangarap so be careful with what you wish for.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung mga nakita ko with Bea dito sa Start-Up, she puts good pressure on me, on us.

"Sobrang galing makisama ni B. Kita mo din yun, the first time we met sa Bangkok, parang four hours straight kaming nag-usap. Hindi kami nauubusan ng topic.

“So, very happy kami. I'm sure, me and all of the cast, we’re very proud that we have Bea Alonzo in this show.”

Nang hingan ng reaksiyon tungkol sa mga sinabi ni Alden tungkol sa kanya, ikinuwento ni Bea ang mga karanasan nito mula sa leading man niya sa Start-Up PH.

Pahayag ng aktres, “I’m also very thankful and very, very flattered.

"And I can say that I feel the same about him, na siya yung parang naging welcoming committee ko sa GMA.

"Close niya lahat ng mga tao, yung mga staff, yung mga artista. He’s very playful on set na parang siya yung nagse-set ng tone. Happy daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kadalasan kasi may pagka-serious type ako pagdating sa trabaho. Natutunan ko sa kanya na you don’t have to take so many things too seriously.

"Minsan, puwede ka rin mag-enjoy."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bea Alonzo on Start-Up PH leading man Alden Richards: "Close niya lahat ng mga tao, yung mga staff, yung mga artista. He’s very playful on set na parang siya yung nagse-set ng tone. Happy daw. Kadalasan kasi may pagka-serious type ako pagdating sa trabaho. Natutunan ko sa kanya na you don’t have to take so many things too seriously."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results