PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mon Tulfo draws flak for berating delivery boy

“Hu, nagsalita ang delivery boy! Usapan ng mga intelihenteng tao ito.”
by Jojo Gabinete
Published Oct 15, 2022
Mon Tulfo arrested in Manila
Inuulan ng batikos ngayon ang beteranong broadcaster na si Mon Tulfo (nasa larawan) dahil sa tila pangmamalait niya sa isang delivery boy na nagkomento sa post ni Tulfo tungkol sa drug case na kinasasangkutan ng anak ni DOJ Secretary Boying Remulla.
PHOTO/S: Courtesy: Isumbong Mo Kay Tulfo on Facebook

Kaliwa’t kanan ang batikos na natatanggap ngayon ng opinion columnist, broadcaster, at former television host na si Ramon "Mon" Tulfo.

Ito ay dahil sa "panghahamak" niya umano sa isang Facebook user na nagtatrabaho bilang delivery boy.

Nag-umpisa ang isyu nang magbigay ng pahayag si Tulfo tungkol sa drug case na kinasasangkutan ni Juanito Jose Remulla III, ang panganay na anak ni Justice Secretary Jesus Crispin "Boying" Remulla.

Dinakip si Remulla III sa Las Piñas City noong Martes, October 11, dahil siya ang consignee sa package na naglalaman ng dalawang pakete ng pinaghihinalaang high-grade marijuana, na may timbang na 937 grams at nagkakahalaga ng P1.3 million.

Nagsalita ang DOJ Secretary na hindi siya makikialam at hindi niya gagamitin ang impluwensiya sa kaso ng kanyang panganay na anak.

Read: Justice Secretary Boying Remulla, nangakong di makikialam sa kaso ng anak na inaresto dahil sa marijuana

Malakas ang mga panawagang magbitiw si Secretary Remulla mula sa puwesto nito kung may delicadeza siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero si Tulfo ang isa sa mga nagtanggol rito sa pamamagitan ng kanyang Facebook post kahapon, October 14, 2022.

Pahayag ng broadcaster: “Huwag nating sisihin si Justice Secretary Crispin “Boying” Remulla sa kasalanan ng kanyang anak na si Juanito.

“Si Juanito ay 36 at di na bata. Kung nagkamali man siya ay di kasalanan ng kanyang ama.

“Sino ba ang ama na matino ang pag-iisip na mag-udyok sa anak na lumabag sa batas? Lalo pa’t ang ama ay justice secretary.

“Kahit na anong disiplina o pangaral ang gawin ng isang magulang sa kanyang anak ay may hangganan kapag ang anak ay malaki at matanda na.

We parents can only do so much to guide our children on the right path.

“Di na natin kasalanan bilang magulang kung ang tinatahak ng ating anak ay baku-bakong landas.”

mon tulfo post

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isa sa mga nagbigay ng reaksiyon sa pagtatanggol ni Tulfo kay Secretary Remulla ay ang Facebook user na nagpakilalang residente ng Compostela, Cebu.

Aniya, “Di po siya ordinaryong tao, siya po ay Sec ng Justice kaya dapat siya mag-resign. Nakakahiya po iyan, sarili niyang anak di nya kayang malinis.”

Malinaw na hindi nagustuhan ni Tulfo, o ng namamahala ng kanyang Facebook page, ang mensahe ng Facebook user.

Sagot niya rito: “Hu, nagsalita ang delivery boy! Usapan ng mga intelihenteng tao ito,” kasunod ang laughing emojis.

mon tulfo post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakalagay sa Facebook profile ng Facebook user na delivery boy ito at pagrarasyon ng softdrinks ang ikinabubuhay.

Ito ang ginamit ni Tulfo na basehan para husgahan ang pagkatao ng Facebook user.

Tumanggap ng mga papuri at simpatiya ang Facebook user mula sa netizens dahil sa kabila ng pagmamaliit sa kanya ni Tulfo, naging magalang siya at lumitaw ang pagiging intelihente niya sa sagot sa broadcaster.

Sabi nito: “Salamat po sir, salamat po sa ganun lang kaliit sa tingin ninyo naming mga anak ng mahirap ng patuloy na kumakayod makaraos sa kahirapang aming tinatamasa. Lumalaban ng patas, hindi gaya ng anak ng Justice Secretary.”

mon tulfo post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, matitindi at masasakit ang mga salitang ipinukol kay Tulfo ng netizens.

Ipinaalaala ng ilan sa kanya na nakinabang ang kapatid na si Senator Raffy Tulfo sa boto ng mga taong pinararatangan niyang hindi intelihente.

Nadamay rin sa mga batikos ang kapatid niya, si DSWD Secretary Erwin Tulfo.

Ang pinakamasaklap pa, muling sinariwa ng netizens ang makasaysayang pambubugbog sa kanya ng dating mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport noong May 2012.

Read: PEP SPECIAL REPORT (Part 1): Who started the fistfight: Mon Tulfo or Raymart Santiago?

Noong 2018 ay nasangkot ang kapatid Mon na si dating Department of Tourism Secretary Wanda Teo sa kontrobersiyal na P60M tourism ads na umere sa PTV-4 blocktimer news program na Kilos Pronto.

Ang Kilos Pronto ay blocktimer program na ipinoprodyus ng Bitag Media Unlimited Incorporated (BMUI), ang pag-aaring production company ng kapatid din nilang si Ben Tulfo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mon Tulfo defends sis Wanda, condemns bro Ben in P60M tourism ad brouhaha

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inuulan ng batikos ngayon ang beteranong broadcaster na si Mon Tulfo (nasa larawan) dahil sa tila pangmamalait niya sa isang delivery boy na nagkomento sa post ni Tulfo tungkol sa drug case na kinasasangkutan ng anak ni DOJ Secretary Boying Remulla.
PHOTO/S: Courtesy: Isumbong Mo Kay Tulfo on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results