Negatibo ang karamihan ng mga komento at reaksiyon ng netizens sa Instagram at Facebook post ni Herlene Budol na nagpapakita sa kanyang nakasuot ng navy blue pajamas, nakapikit ang mga mata habang nakadapa at nakayakap sa puntod ng kanyang lola na si Virginia Budol.
Pumanaw ang lola ng comedienne-beauty queen noong June 6, 2022.
Read: Herlene Budol mourns death of grandmother
“Nasumbong konang lahat kay nanay,” caption ni Herlene sa mga larawang nakalagay sa kanyang Facebook at Instagram page.
Ang tinutukoy ni Herlene ay ang malungkot na karanasan niya nang pumunta siya sa Kampala, Uganda bilang kinatawan ng Pilipinas sa hindi kilalang Miss Planet International 2022 beauty pageant. Nakansela ang beauty pageant dahil biktima ng panlilinlang ang mga kandidata.
Hindi natuwa ang ilang netizens sa pictorial ni Herlene, na nagsuot ng pajama nang bumisita sa libingan ng kanyang lola.
Inaakusahang isang publicity stunt lamang ito para pag-usapan siya at makakuha ng simpatiya mula sa publiko. Pero kabaligtaran ang nangyari dahil hindi pabor sa kanya ang karamihan sa mga reaksiyon ng Pinoy netizens.
Narito ang ilan sa mga negatibong komento sa post ni Herlene:





Sa kabilang banda, mayroon ding nagtanggol sa post na ito ni Herlene:



Dating kinagigiliwan at kinaaaliwan ng publiko si Herlene dahil sa kanyang pagiging natural at hindi pagpapaapekto sa popularidad na tinatamasa niya sa kasalukuyan.
Ang mga negative reaction sa pinagbibintangang publicity stunt ni Herlene sa memorial park ang tila mitsa at umpisa ng pagtatapos ng "honeymoon period" niya sa netizens na dating natutuwa sa kanya.
Ang mga nakaalarmang batikos na ipinupukol sa kanya ang dapat gamitin na basehan ni Herlene at ng mga tao sa paligid nito sa pag-iingat sa bawat aksyon at pahayag na gagawin nila.
Kung magiging maingat at pakikinggan ni Herlene at ng kanyang mga kasama ang mga constructive criticism, maiiwasan niya habang maaga na hindi siya matulad sa ibang mga sikat na showbiz personality na nabawasan ang kasikatan at puro mga hate comment ang natatanggap mula sa publiko dahil sa mga social media post nila.