Imposibleng hindi mapukaw ang interes ng beauty pageant fans kapag nalaman nilang iba, hindi ang Darna costume, ang orihinal na gagamitin ng Philippine bet na si Celeste Cortesi sa National Costume competition ng 71st Miss Universe na naganap sa New Orleans nitong Miyerkules, January 11, 2023 (Huwebes, January 12, 2023, sa Pilipinas).
Read: Celebrities, netizens react to Celeste Cortesi's Darna costume at Miss Universe 2022
Ang Hollywood Filipino fashion designer na si Oliver Tolentino ang gumawa ng Darna costume ni Celeste para sa National Costume.
May kuwento siya tungkol sa biglaang tulong niya sa Philippine bet sa Miss Universe 2022, tulad ng kanyang ginawa nang magkaroon ng problema si Pia Wurtzbach sa preliminary gown competition ng Miss Universe 2015 sa Las Vegas, Nevada.
Read: Pia Wurtzbach lauds creations of Filipino fashion designers
Bukod sa last-minute Darna costume na nilikha niya para kay Celeste, si Oliver din ang designer ng gown na isinuot ng 25-year-old Filipino-Italian beauty queen sa preliminary gown competition ng 71st Miss Universe.
Apat na araw lamang daw ginawa ni Oliver ang Darna costume ni Celeste mula nang bumisita ang Team Philippines sa boutique niya sa Beverly Hills.
Nang dumating ang grupo ni Celeste sa California mula sa Pilipinas, napagtanto nilang hindi uubra ang national costume na kanilang dala.
Minadali ni Oliver ang paggawa sa Darna costume, at idinagdag niya ang gown na isinuot ni Celeste sa preliminary competition na nakumpleto niya sa loob lamang ng isang linggo.
Ibinahagi ni Oliver ang kuwento ng inspirasyon ng evening gown ni Celeste, na ayon sa kanya ay napakaganda sa personal.
Lahad ng international Filipino fashion designer, “Celeste’s evening gown was an Art Deco blush blue column gown made of a combination of tulle and heavily embellished French lace, accented with strips of Thai silk and thousands of crystals hand sewn on the gown. The gown features two see-through front slits and a godet featuring a butterfly pattern.
"Celeste requested the color blue because it’s special to her. Celeste means Heavens in Italian and her father looked up at the sky when he was holding her and knew her name would be Celeste.
“She also requested a butterfly be incorporated in the design because she associates them as signs from her father. One appeared to her when she asked for a sign if she should join Miss Universe Philippines.”
Samantala, inihingi pa ng permiso mula mga kinauukulan ang paggamit ni Celeste sa costume ni Darna sa National Costume competition.
Hindi gumagawa si Tolentino ng mga costume pero hindi niya natanggihan ang paghingi ni Celeste ng tulong.
Dahil sa Christmas holidays at sa mga biyahe niyang matagal nang nakaplano, nakumpleto lang ni Oliver ang mga materyal na kailangan para sa Darna costume noong January 2, 2023, isang araw bago lumipad si Celeste sa New Orleans.
Dinagdagan ni Oliver ng headpiece ang costume ni Celeste. Tinulungan siya ni Jerome Navarro na nagbigay ng metal work accessories.
Sa panahon ding ito niya ginawa ang preliminary gown ni Celeste na “meticulously time-consuming” dahil itinahi sa pamamagitan ng kamay ang bawat crystal na kanyang inilagay.
Nag-umpisa noong December 2022 ang hiling kay Oliver na igawa niya si Celeste ng gown para sa 71st Miss Universe nang umuwi ang fashion designer sa Pilipinas at nagkita sila sa isang dinner.
Sinabi ng Team Philippines kay Oliver na may mga option silang magaganda pero hindi nila nararamdamang perfect pa ang gown na kanilang naiisip.
Agad na kinuha ni Oliver ang sukat ng katawan ni Celeste at sinabi niya sa Team Philippines na may naiisip siyang gown na gagawin. Nagkasundo silang muling magkita sa kanyang boutique sa Beverly Hills noong December 21, isang araw bago ang paglipad niya sa ibang bansa para sa isang linggong Christmas holiday.
Nang magpunta ang Team Philippines sa boutique ni Oliver, ipinakita nito ang "shell" para sa blue gown na kanyang ginawa.
Nagustuhan ng Team Philippines ang hindi pa tapos na gown na limang araw lamang binuo dahil sa mga Christmas holiday, pero “stunning in person, a goal to win the judges sitting feet away,” ayon kay Oliver.
“Anyone who knows me knows that I pride myself on helping Filipinos on the international stage, whether it is actors, singers, or other high profile people, so they represent us well to the world.
“Naturally, when Celeste’s team asked for my help I dropped everything to make sure she would have what she needed to compete for the Philippines in Miss Universe,” pahayag ni Oliver tungkol sa mga karanasan niya bilang “rescue” designer ng national costume at gown ni Celeste para sa preliminary competition ng 71st Miss Universe.