PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristine Reyes, peg si Mel Tiangco sa pangarap maging newscaster

Cristine Reyes, gustong makatrabaho sina Vilma Santos at John Lloyd Cruz.
by Jojo Gabinete
Published Mar 1, 2023
cristine reyes maid in malacanang
Cristine Reyes: “Marami akong gustong gawin. Gusto ko rin sana matutong magsulat kasi marami rin akong creative things that I want to put into films as well. Medyo nagte-take lang ako ng time. Ayoko kasing gawin yung mga bagay na pilit so I wanna take my time to do things that I want to do."
PHOTO/S: Viva Films

Maging writer at newscaster, tulad ng seasoned broadcaster na si Mel Tiangco, ang ilan sa mga pangarap ni Cristine Reyes na hindi pa natutupad.

Hinahangaan ni Cristine na newscaster si Mel dahil ito ang kanyang naabutan at nakilala nang sumali siya noong 2003 sa Season 1 ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7.

“I wanted to do news. Gusto ko na maging newscaster like Mel Tiangco kasi noong time ko [sa GMA-7], siya yung nandoon.

“Marami akong gustong gawin. Gusto ko rin sana matutong magsulat kasi marami rin akong creative things that I want to put into films as well.

“Medyo nagte-take lang ako ng time. Ayoko kasing gawin yung mga bagay na pilit so I wanna take my time to do things that I want to do.

"I eventually want to write and, who knows, kung saan po ako dadalhin," sabi ni Cristin.

Ginugunita ni Cristine ngayong 2023 ang ika-dalawampung (20th) anibersaryo ng kanyang entertainment career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Cristine Reyes, naging emosyunal sa 20th year niya sa showbiz, 15 years sa Viva

Kasama sa plano ni Cristine ang magkaroon ng international acting career pero naghihintay siya sa pagdating ng oportunidad dahil ayaw niyang pinipilit ang mga bagay-bagay.

Pahayag ng Viva star, “I do have plans pero hindi po natin puwedeng ipilit yon. Siguro timing din and kung ibibigay sa atin yon nang kusa.

"Kung may offer, I think I would love to do an international project."

Dalawa ang pelikulang gagawin ni Cristine, at umaasa siyang darating ang panahon na mabibigyan siya ng pagkatataong makatrabaho ang Star for All Seasons na si Vilma Santos at si John Lloyd Cruz.

“Palagi kong nire-request, sana makatrabaho ko yung magagaling na aktor.

“Siyempre, number one ko si Miss Vilma Santos. Humahanga ako kay John Lloyd Cruz, napakagaling na aktor."

Dagdag pa ni Cristine, “Meron akong gagawin na comedy naman for a change. Matagal ko nang nire-request yon para may variations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pagseselosan ng lahat ng lalake yung susunod kong makakapareha, as in mag-abang kayo kasi nakakaselos talaga.

“I will also do a movie with Baron [Geisler]. Nakatrabaho ko na si Baron sa Eva Fonda and I think we have a good working relationship.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristine Reyes: “Marami akong gustong gawin. Gusto ko rin sana matutong magsulat kasi marami rin akong creative things that I want to put into films as well. Medyo nagte-take lang ako ng time. Ayoko kasing gawin yung mga bagay na pilit so I wanna take my time to do things that I want to do."
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results