#EatBulagaWar
Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa mga plano, magpapatawag ng media conference ang pamunuan ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE) Inc. sa April 15, 2023 para sagutin ang lahat ng mga isyu tungkol sa kanilang kompanya at sa Eat Bulaga!.
Ang TAPE Inc. ang producer ng longest-running noontime variety show ng bansa.
Nasasangkot ngayon sa kontrobersiya ang Eat Bulaga! dahil sa mga haka-hakang posibleng iwanan ng mga original host na sina former Senator Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ang programa.
Read: Tito, Vic & Joey, kinakausap ng Net25 para sa isang noontime show?
Ito ay bilang pagtutol nila, diumano, sa desisyon na ang mga anak ni former Zamboanga del Norte Romeo "Romy" Jalosjos, at hindi na ang business partner nitong si Antonio “Tony" Tuviera, ang mamamahala sa Eat Bulaga!.
Read: Romy Jalosjos children in, Tony Tuviera out sa TAPE; Tito, Vic & Joey, aalis na sa Eat Bulaga?
“Tentative April 15,” sagot ni Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos at TAPE Inc. board treasurer nang itanong sa kanya ng Cabinet Files ang petsa ng kanilang binabalak na press conference para mabigyang-linaw ang mga isyu at maibahagi nila ang mga pagbabagong magaganap sa Eat Bulaga!.
Read: Mayor Bullet Jalosjos, sasagutin lahat ng isyung kinahaharap ng Eat Bulaga!
Sa susunod na buwan pa magaganap ang media conference ng TAPE Inc. pero isa-isa nang lumulutang ang mga impormasyon tungkol sa mga mangyayari sa 44-year-old variety show.
Isang source (hindi si Mayor Bullet Jalosjos) ang nagparating sa Cabinet Files ng balitang kinuha ng TAPE Inc. ang serbisyo ng seasoned television and movie director na si Louie Ignacio bilang bagong direktor ng Eat Bulaga!.
Reportedly, nakatakda ring bumalik sa pamunuan ng TAPE Inc. ang isang well-loved former executive na malaki ang kontribusyon sa kompanya at sa pagiging institusyon ng programa.
Kumpirmado naman ang muling paglabas ni Alden Richards sa Eat Bulaga! bukas, Sabado, March 11.
Malaki ang utang na loob ni Alden sa Eat Bulaga! dahil ito ang naging instrumento sa malaking pagbabago sa kanyang buhay at showbiz career.
Naabot ni Alden ang superstar status nang tangkilikin ng publiko ang AlDub loveteam nila ni Maine Mendoza na nag-umpisa dahil sa "Kalyeserye" segment ng Eat Bulaga! noong July 16, 2015.
Matagal nang hindi napapanood sa Eat Bulaga! si Alden dahil sa busy schedule nito kaya inaabangan ng mga tagahanga niya ang kanyang inaasahang pagbabalik sa noontime show.
Related Stories:
- Tito Sotto reacts to rumored goings-on in Eat Bulaga!: "Who says we’re splitting?"
- Joey de Leon unfazed amid reported rebranding of Eat Bulaga!
- Willie Revillame, nadadawit sa isyung rebranding ng Eat Bulaga!; napipisil umano na pumalit sa TVJ?
- Tito Sotto and Joey de Leon declare the brains behind Eat Bulaga! amid internal war
- Status ng Eat Bulaga hosts at staff, floating pa; Dabarkads pa rin kaya sa EB sa Holy Week?
- Eat Bulaga!'s humble beginnings: "We were struggling, di kami sumusuweldo."
- Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon reminisce about humble beginnings of Eat Bulaga!
- Willie Revillame, hindi totoong ipapalit kina Tito, Vic & Joey sa Eat Bulaga!