Isang visibly irked Jake Zyrus ang naglabas ng kanyang sama ng loob laban sa mga taong patuloy na binubuhay si Charice Pempengco at ikinukumpara ito sa ibang mga singer.
Si Charice ang dating katauhan ni Jake bago siya nag-come out bilang isang trans man.
Hindi nagbanggit ng pangalan si Jake pero malinaw na may kinalaman ang galit niya sa pagkukumpara sa kanyang dating pagkatao at estilo ng pagkanta kay Morissette Amon, isa sa mga special guest sa concert ni David Foster na ginanap sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino noong Marso.
Read: Raquel Pempengco says "nothing compares" to Charice's singing after watching David Foster's concert
Bago sumapit ang nakaraang Mahal na Araw, hindi napigilan ni Jake na magsalita sa isang online gaming session niya.
“Anong gusto ninyong mangyari? Bubuhayin si Charice? Paano?
“Scientifically, wala, e. It’s impossible because I’m already taking, like, hormones because that’s who I am.
"So, anong, like, the f*ck*ng stupid question… Questions na, ‘Oh, can you bring back your voice?’ That’s not possible!
"So, some of you just shut up and listen to your Charice’s songs in your own f*ck*ng time!” nagpupuyos ang kaloobang litanya ni Jake.
Read: Jake Zyrus calls out rude netizens who "miss" Charice Pempengco
Buo ang paniniwala ni Jake na kawalan ng respeto sa kanya at sa ibang mang-aawit ang pagkukumparang ginagawa sa kanila ni Charice, kaya ipinaalaala niyang matagal nang wala ang Filipina singer na hinangaan noon dahil sa mahusay na pag-awit.
Naiiritang sabi ng transgender singer: “And to actually compare the old me to some of the greatest singers out there, hindi lang disrespectful sa akin yon! Disrespectful din sa kanila yon!
“You’re literally comparing these singers to the person that doesn’t even exist anymore! Do you guys even think about that?”
Pero hindi nagpatalo ang loyal fans ni Charice na ipinaalaala kay Jake ang mga sinabi niya noon sa isang videotaped interview.
“She’s my hero. Kalimutan na nila ako pero huwag nilang kakalimutan ang narating ni Charice," pakiusap noon ni Jake, na iba na ang mga sinasabi ngayon.
Read: Jake Zyrus on comparison of his singing style with Charice: "Iba na talaga."
Tulad ni BB Gandanghari na "pinatay” si Rustom Padilla" nang magdesisyon itong maging trans woman, pilit na ibinabaon ni Jake sa limot ang katauhang nagbigay sa kanya ng magandang buhay at ng kung anumang tinatamasa niya sa kasalukuyan.
Pero hindi matutupad ang kahilingan niya dahil hindi na mabubura sa Internet ang mga lumang video ng mga pagtatanghal ni Charice na paulit-ulit magpapaalaala sa lahat ng kanyang dating personalidad.