PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Boobay, nagbitiw ng salitang ipinangamba

Boobay, rumaket pa sa comedy bar pagkatapos ng nangyari sa kanya sa Fast Talk.
by Jojo Gabinete
Published Apr 20, 2023
boobay fast talk
Boobay on why he still work hard despite his health condition: “At some point, I’m saving para sa akin, though naibigay ko na yung mga dapat kong gawin para sa tatay, sa family ko. Nabigyan ko na sila ng bahay, ng kanilang sasakyan. Ako naman ngayon, nakakuha ng aking bagong tirahan sa San Juan. Till now, kailangan ko pa rin mag-ipon nang mag-ipon kasi hangga’t merong nagbibigay sa yo ng pagkakataon, kunin ko yan, kasi baka the next time, baka mawala na yon."
PHOTO/S: Screen grab from GMA Network

Mabait, masipag, at mahusay makisama ang mga pinupuring katangian ng Kapuso comedian na si Boobay.

Pero kung may reklamo man ang kanyang mga kaibigan, ito ay ang pagiging pasaway niya lalo na kapag may kinalaman sa trabaho.

Natakot ang mga nakapanood ng guesting ni Boobay sa Fast Talk with Boy Abunda ng GMA-7 nitong Huwebes ng hapon, April 20, 2023, dahil bigla na lamang natulala at hindi na nakapagsalita ang komedyante habang nag-uusap sila ni Boy Abunda.

Hindi na itinuloy ni Boy ang "Fast Talk" segment kay Boobay, inihinto niya ang programa at nagkaroon ng commercial break dahil sa nangyari sa kanyang bisita na inakalang nagkaroon ng stroke.

Read: Boobay, "nag-hang" habang ini-interview sa Fast Talk With Boy Abunda

boobay fast talk

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagpatuloy ang interbyu nang mahimasmasan si Boobay.

Iginiit nitong maayos na ang kanyang kalagayan at makakaya niyang tapusin ang guesting niya sa Kapuso showbiz talk show.

Unang naranasan ni Boobay na ma-stroke noong November 2016. Na-confine siya sa ICU ng isang ospital.

Nang gumaling, pinagbawalan na siya ng mga doktor na magpuyat at mapagod sa sobrang trabaho.

Read: Kapuso comedian Boobay rushed to ICU following stroke

Makalipas ang pitong taon, tila ipinagwalang-bahala ni Boobay ang mahigpit na bilin sa kanyang iwasan ang mapagod, magpuyat, at huwag sagarin sa trabaho ang sarili.

Pagkatapos ng insidenteng nangyari sa Fast Talk with Boy Abunda, may show pa siya ngayong Huwebes ng gabi bilang stand-up comedian sa Clowns Republik Comedy Bar na pag-aari ni Allan K.

clowns republik

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa nakakaalarmang karanasan ni Boobay na napanood sa national television, napag-usapan at naungkat na maraming beses na siyang “nag-hang” sa iba’t ibang okasyon at pagkakataon dahil sa kakulangan ng pahinga.

Sa panayam niya sa Fast Talk, tinanong ni Boy kung bakit nagtatrabaho siya nang husto.

Sagot ni Boobay: “At some point, I’m saving para sa akin, though naibigay ko na yung mga dapat kong gawin para sa tatay, sa family ko. Nabigyan ko na sila ng bahay, ng kanilang sasakyan.

“Ako naman ngayon, nakakuha ng aking bagong tirahan sa San Juan.

"Till now, kailangan ko pa rin mag-ipon nang mag-ipon kasi hangga’t merong nagbibigay sa yo ng pagkakataon, kunin ko yan, kasi baka the next time, baka mawala na yon."

Nangangamba naman ang mga kaibigan at nagmamalasakit kay Boobay na nakakaipon nga ito ng salapi, pero ang sariling buhay ang kanyang isinusugal dahil sa mga tinatanggap na mga show sa mga comedy bar. Bukod sa nakapupuyat, nalalanghap pa niya ang usok mula sa mga naninigarilyo na kostumer.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nadagdagan ang pagkabahala ng mga nagmamahal kay Boobay dahil sa naging sagot niya sa tanong kung ano ang nais niyang iapela sa mga santo sa langit.

Sabi ng entertainer, “Kakausapin ko si [St.] Peter, kung may chance pa ulit, sana pabalikin mo si Mama ko dito kasi gusto ko.

"Kaya ako nag-artista, kasi yun ang pangako ko sa kanya na sana, kapag naging artista ako, isa ka sa talagang gusto ko na nandito at makikita mo yung pagpapatawa ko at pagpapasaya sa mga tao."

Panawagan pa ni Boobay: “St. Peter, nandiyan ka ba? Wala?

"So, kung hindi puwede, di ako na lang ang pupunta diyan soon. Ready na ako anytime…"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boobay on why he still work hard despite his health condition: “At some point, I’m saving para sa akin, though naibigay ko na yung mga dapat kong gawin para sa tatay, sa family ko. Nabigyan ko na sila ng bahay, ng kanilang sasakyan. Ako naman ngayon, nakakuha ng aking bagong tirahan sa San Juan. Till now, kailangan ko pa rin mag-ipon nang mag-ipon kasi hangga’t merong nagbibigay sa yo ng pagkakataon, kunin ko yan, kasi baka the next time, baka mawala na yon."
PHOTO/S: Screen grab from GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results